#TitoAlexQuotes

Taas kamay, sino'ng mga mommies na kasundo ang in-laws? Okay, sino naman ang mga hindi kasundo ang mga biyenan? Boom! Hahaha. In fairness naman sa in-laws ko, enjoy naman akong kasama sila. PERO may time limit dapat. After ng ilang oras, medyo nakakapagod din. Ganun ata talaga. Magkaiba kasi ang values ng parents ko sa values ng in-laws ko. I think yun din ang dahilan kaya nagkakaroon ng problema between manugang and biyenan. Iba ang kinalakihan mo tapos iba ang gusto nilang mangyari. Siyempre magkakaroon ng clash. Kapag may tagisan, sino ang dapat manaig? Siyempre hindi mo naman gustong maging bastos dba? Para sa'kin, kapag nagkaroon ng problema between manugang and biyenan, ang asawa dapat ang maging voice of reason. Dapat ipaliwang ng asawa na, "Ma/Pa, may sarili kaming diskarte." Once kasi mag-start na kayo ng pamilya, ibig sabihin kayo na dapat ang masunod. And that's not disrespecting your in-laws or parents. Ganun talaga. Pero kung mali ka, don't expect na kampihan ka ng asawa mo unconditionally. Be reasonable pa rin. Kayo ba? Ilang oras ang time limit n'yo bago kayo mag super saiyan sa mga in-laws?

#TitoAlexQuotes
20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Agree po, magkaiba talaga ang parents ko sa in laws ko. Kaya nakuha ko yung values from my parents at kaya siguro di kami magkasundo ng in laws ko kasi sobrang layo talaga ng paniniwala namin 🤣. Mabilis ako mag super saiyan lalo na kapag nakakarinig na naman ako ng mga reasoning na hindi ko matanggap. Siguro okay kami as long as ang usapan ay something na we both agree on pero kapag hindi, ay mabilis ako mawalan ng gana. Nagyayaya na agad ako umuwi lol. My mom and I are nurses po while yung in laws ko believe in herbal ganyan, which is okay sakin pero kapag may mga baluktot silang sinasabi na hindi evidence based, ayun na ayoko na makipag usap. Kasi may tendency ako makipag debate at ayoko na in the end, mabastos ko sila or something. Also mahilig talaga kami mag save ng pera, laging may vision ng long term planning, unlike sa in laws ko medyo may pagka one day millionaire sila kaya hindi ko po talaga masakyan ang trip nila.

Magbasa pa
4y ago

Mommy, mahirap nga po yang set up nyo kasi kahit maglagay kayo ng boundaries kung pano aalagaan ang anak nyo, may tendency na makialam sila. Sana magplano na po kayong bumukod. Or pwede nyo po siguro kausapin ang asawa nyo na di kayo komportable na napapakialaman ang way nyo ng pag papalaki ng bata. Good luck po.