Swerte ka ba sa Biyenan?

In a rate of 1-10 gaano kayo ka-close ng In Laws mo? #biyenanchronicles

207 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I can rate them 5/10. mababait nmn sila and madali lang pakisamahan. It's just that buntis plng ako now which is palaging gutom. almost 2 months ko na sila kasama and ang problem ko sknla is sobrang tipid ng byenan kong babae magpaulam. Imagine 8 kme sa bahay kung manok ulam 8 pcs lang den manok maliliit pa hiwa. Yung asawa ko aalis ng maaga then uwi nya isa gabing gabi na as a healthcare worker. Di nya nakikita yung situation. Malayo kmi sa bayan kaya hirap ako mag stock ng food sa room nmin puro tinapay lang and minsan nakakaumay din mas bet ko yung rice kahit konting kaen lang kaso palaging wala na ulam whenever I want. di rin mapag stock sa ref para may lutuin. Capable naman po bumili when it comes to it. Pag nagttry ako dagdagan lulutuin nakabantay sya. Wala ako mapag sabihan 😔 ska napapagod ako dto kakaligpit ng kalat nila haaay.

Magbasa pa

9 out of 10. Yung LiP ko ngayon hindi talaga sya yung tatay ng baby ko. 6months nko preggy sa 1st baby ko nun, nung naging kame ni LiP. To make story short. Tinanggap ako ng byenan ko ngayon nung 8months na yung tyan ko. Nagulat nlang ako nung sinabi ng BF ko pa dat time si LIP okay na daw sa mama nya. Tanggap na daw ako pati yung baby ko. 😢 Sa totoo lang hindi madali humanap ng byenan na tatanggapin ka pati yung magiging anak mo kahit di nman talaga sa anak mo yung pinagdadalang tao mo. Sobrand blessed ko na don. 😊 Ngayon nakapanganak nko, sobrang hands on lola sya sa baby ko, na tinuturing na din nyang sariling apo. Maasikaso, maalaga. Pero may pag ka OC. Hehe kaya 9.

Magbasa pa

Sa pag mamahal at alaga sakin wala ako masabi. Pero sa pag aalaga sa baby ko 5 lang haha nakakainis kasi kung ano ano pinapagawa na di naman appropriate. Una, ni hindi man lang ako kinamusta nung nanganak ako, tas oag dating namin sa bahay hindi mo kita yung saya niya. Malaman ko pa sinabi niya pala bago kami dumating, di niya raw alagaan baby ko at 6 na inalagaan niya noon. Tama ba naman yon? 2nd, may rashes baby ko sa mukha gawa ng init aba dilian ko raw sa madaling araw jusko po. Sa lalaki kong byenan naman, maninigarilyo tas mag aalcohol lang hahawakan baby ko jusko po amoy na amoy ko yung yosi sa damit ewan ko mababaliw ata ako dito sa bahay ng partner ko

Magbasa pa

7/10 sa FIL, di naman kasi sya ganon kakwento. pero mabait. kapag nandon ako, palaging nangangamusta pati parents ko, kinakamusta. maasikaso din, ipinagluluto pa ako ng request ko kapag pumupunta kami sa kanila. lalo na netong nagbuntis ako. siguro kasi nga lalake, di gaanong makwento talaga. 8/10 sa MIL. kahit di kami palagi magkasama, palagi syang nangangamusta. nung time na sabay kaming nagkasakit, mas nauuna pa syang mangamusta anytime of the day. kapag nandon ako, panay alaga din. nag ooffer pa na uuwi dito sa bahay sa cavite para lang maalagaan ako at si LO pagkapanganak ko. knowing na taga ncr pa sila. ❤️

Magbasa pa

2/10 dati okay naman hanggang nung malapit na kami ikasal lahat nalang pakielaman nya sa kasal (muntik na din hindi matuloy ang wedding dahil sa kagagawan din nya) at nung kasal nya kami inuubliga nya parin ang asawa ko na magbigay sa kanya at nung hindi pa kami binibiyayaan ng baby sana daw hindi nalang kami agad agad nagpakasal. 😅 thank God sobrang bait ng asawa ko at nalaman nya din kung paano kami pagsalitaan kapag nakatalikod kami. 5 months preggy nadin ako umiiwas ako sa kanya ayoko kasi ng stress kawawa nmn baby ko.

Magbasa pa

Siguro 3 out of 10 sa babae kong biyenan. May attitude talaga na diko maintindihan e. Okay naman sana kaso may pagsaplastic at mahadera. Nakikialam pa sa mga desisyon sa buhay. Sinasabi nila sa probinsya daw ako manganak para kasama ko daw yung nanay ng partner ko. Sabi ko wag na pakikialaman lang non mga desisyon ko para sa anak ko. Advice tatanggap ako pero kung magmamagaling sa desisyon ko ay nako. Sa tatay naman ng partner ko. 8 out of 10 mas okay kumpara sa nanay niya. Nakakabiruan ko pa kahit paano.

Magbasa pa
3y ago

Tuwing may away kami ganon din. Kahit pa mali anak niya kakampihan pa din. Kainis lang. Pero dapat pakisamahan pa din. No choice. Nanay yon ng partner ko kaya kahit nakakainis nakikisama at nirerespeto ko nalang din na parang nanay ko.

10 /10 super supportive, nung nalaman na buntis ako tuwang tuwa and binibilhan pa ako ng gatas and nanunuod sa yt about sa pagbubuntis kung ano ang dapat na gawin para safe si baby ang binilhan din ako ng dress sa pagbubuntis ko, and everytime na mag gogrocery sila, lagi akong may pasalubong para happy si baby sa tummy. lagi akong pinapakain saknila and titimplahan ng gatas at never nakalimutang mangamusta🥰💖

Magbasa pa

3/10 puro sugal di naman nakakatulong. kilos tamad din maghuhugas plato once in a blue moon tapos hndi pa sinasabunan ng ayos. as in haw haw tubig lang. ako rin nakilos kahit buntis ako hinahayaan lng niya. uuwi lang galing sugal para kumain tapos larga na ulit tsismis don tsismis dito. pinaka hate ko pa ung pakikialamanan gamit ko tapos pamimigay sa iba. buntis pa naman ako ngaun, lagi akong bwisit sakanya.

Magbasa pa
VIP Member

10 po parang nanay ko na din po ang byenan ko po pantay po ang trato niya samin mag asawa pag mali po ng asawa ko sinasabihan niya po o pinapagalitan pag sinusumbong ko po 😊🥰 mabait mapagbigay sobrang love niya po ang dalawang anak ko 🥰😍 kaya sobrang pasasalamat ko po kay god nabigyan po ako ng mabait na byenan at mabait din po na asawa 🥰😇

Magbasa pa

3 out of 10, Hindi kami close, Hindi Rin siya nangungumusta, kahit Yung apo nya di nya kinukumusta. Wala man lang gift na natanggap si baby Galing sa kanila mula nung pinanganak ko. pero ok lang at least kahit Wala silang pake, di naman ako tinatalakan at inaaway like nung iba. tsaka sapat na sakin Yung parents ko Mahal na Mahal Yung apo nila, pati asawa ko Mahal nila.

Magbasa pa
3y ago

Same tau mamsh.