Cheating
Just a survey. 1. Have you ever been cheated on by your partner? If yes, continue answering the questions below. 2. Ilang beses? 3. Gaano na kayo katagal? 4. Did you forgive him/her? 5. Inamin ba niya? 6. Paano mo siya napatawad?

Yes... he did. Many times na din... pero yung pinaka grabe yung July 2019 na nalaman ko lahat.. tamang hinala talaga ako e. Nakalkal ko account nya for the first time ulit in years... ayon nabasa ko lahat nalaman ko lahat... kase that summer din may dinala sya babae sa bahay nila ng madaling araw na nakita lang ng kapatid nya na kaclose ko.. nung nakita ko phone nya umiyak ako nagalit ako... pero more on relieved? Kase sa mahigit limang taon na namin parang nasagot lahat ng duda ko... on/off relasyon namin... hanggang later those months kahit mahirap pinili ko pa din patawarin sya. Oo dumating sa point na kala ko ok na pero may break up na naman sumbatan na naman... pero nakita ko din pagbabago nya... mahilig kasi yon mag like mag react mag follow e sobra selosa talaga ako hehe! Di naiiwasan meron pa din hanggang sa unti unti na nawala ugali nyang yun. Matagal na proseso pagpapatawad maraming cheating at di pagkakaintindihan. Maraming beses nako napasuko pero sya at sya pa din. 5 years na po kami.. oo inamin din nya lahat ng yon pero hindi nya sinabi kung sino kahit na alam ko naman na kung sino... masakit lang na dko inaasahang tao pa. Pero iniwasan na nya mga iba barkada.. at sa awa ng Diyos nabigay na din ang hiling namin... at ngayon 3 mos na ako pregnant 💜 gusto na din kasi nya na magsama kami lalo na ngayon tinutulungan nya mama nya sa business nila mas nakita ko pursige na sya.. sobra sobra ngayon pagiintindi nya sakin ngayon nagsasama na kami... oo mahirap.. pero masasabi ko na naging worth it lahat dahil araw-araw ko sya pinili. Piniling intindihin at mahalin. Ganon nga siguro madami pagsubok ang darating kahit pa marami ibigay sayo na rason pra sumuko na at maghanap ng mas deserve mo... ngayon ako po ay masaya at kuntento.. oo may konti takot na maulit na naman.. pero sa hirap ng pinagdaanan namin, yung pagmamahal ko sakanya yung mas pinagkakatiwalaan ko... kaya bilib ako sa mga nakakaya din... lalo na may mga anak at kasal na.. siguro desisyon talaga ang magdadala sainyo at araw araw mo pipiliin yon.. kahit may mga araw na hirap kana intindihin sya :)
Magbasa pa
Loving Mom