Cheating
Just a survey. 1. Have you ever been cheated on by your partner? If yes, continue answering the questions below. 2. Ilang beses? 3. Gaano na kayo katagal? 4. Did you forgive him/her? 5. Inamin ba niya? 6. Paano mo siya napatawad?

Ibang perspective naman.. I was a cheater. I couldn't stop cheating kasi yung hinahanap ko sa gusto kong partner, hindi ko makita. Nung nagusap kami kung bakit nangyari yun, sinabi ko basically yung hinahanap ko sa partnership namin (i came from an abusive relationship kaya medyo iba standards, aware naman sya dito). Tbh, nung nagsstart palang kami alam ko na na hindi kami magtatagal kasi kumbaga natutunan ko nalang syang mahalin, di naman ako interesado sakanya to begin with e. Alam ng x ko na may mga nakakausap ako and yet he decided to stay with me kahit na ilang beses ako nagkamali. Dumating naman yung point na tumigil ako and naging super faithful kasi inisip ko dapat makuntento ako sa kasama ko dahil sa love and sacrifice na binigay at pinakita sa akin. Took me 2 years bago magkamali uli. Tapos on and off ako naghahanap ng validation. Take note di naman ako nakikipag engage physically sa ibang guys pero prefer ko kasing makausap yung ka-wavelength ko ang interests. Umabot kami 6 years together bago nya natanggap na I can't be the one for him. It took me 6 years to finally tell him na maawa naman sya sa sarili nya and I want to let go dahil unfair sakanya lalo na't he offered me so much kindness and understanding. Di lang talaga kami compatible. Even after breaking up we were each other's supporters. Dumating kasi sa point na may nanghaharass sa kanya or sa akin about our relationship tapos nakadepensa kami sa isa't isa na wag naman kami pagisipan ng pangit, kahit papaano respetuhin naman nila yung x ko or ako. Too good to be true pero super bait talaga nung x ko. We're still friends now, nagkikita kami from time to time kasi same barkada and nameet ko yung current gf nya and sya naman nameet narin current bf ko. Swerte ko lang na may respeto parin kami sa isa't isa at hindi pangit yung break up namin kasi we both understood na need na talaga mag let go. Happy ako for him kasi yung mga gusto kong gawin nya dati para mapunan yung kung ano hinahanap ko, nagawa na nya now kasi ready na sya kahit na di na ako gf nya. Now, nakahanap ako ng totoo kong katuwang sa buhay, alam nya yung past kong failures at tinanggap ako ng buo, he was one factor rin on why I decided to make a better version of myself (hindi para sakanya, kundi para sa akin). Going on 5 years na kami and I can proudly say na maganda takbo ng relationship namin to the point na eto nagdecide na kaming magbuo ng family. Sa mga may cheating partners dyan, talk to them kasi baka may kulang. Minsan communication lang naman kailangan tsaka yung willingness to change para sa isa't isa. Minsan kasi akala natin wala tayong contribution to the problem when in fact, dalawa pala kayong cause ng problema. I tried but I failed maintaining loyalty kasi natatabunan lang mga problema at ignored lang, di resolved. Pag di na kaya i-resolve, admit defeat kasi at the end of the day, choice ng cheater kung gusto nya ba talagang magbago. Pwede mong ipaglaban pero di mo pwede ipagpilitan.
Magbasa pa