SURVEY: Mura pero quality hospital near Cainta, Rizal
Survey lang po sa mga mommy na nanganak na before. First time mom kasi ako at twins ang babies ko. December pa naman ang due date ng kambal pero as early as now ay nagpplano na kame ni husband ng budget sa panganganak ko. Saan po kaya ang recommended hospital nyo malapit sa Cainta na mura pero quality service? Posible daw kasi na CS ako dahil kambal kaya gusto namin maging practical dahil gusto namin sa baby needs mapunta ang budget like vaccines, milk, pedia consultation etc. Malapit rin kame sa Pasig, Marikina at Antipolo kaya kung may recommended po kayo na hospital at OB sa mga lugar na yan, pashare naman po. Salamat po!
Wondermom of beybi girl