Marriage
Suggested ba na mag pakasal na pag my baby na kau?
My boyfriend and I have been together for 11 years. During the start of 2019, nagpaplan na kami magsettle down. Plan na niyang magpropose this year. Then next year and wedding namin. Pero May this year nalaman namin na preggy ako. Yet, we stick to the plan. He proposed to me this July and we plan to have the wedding 1 to 2 years later. Pagkalabas ni baby. Kasi we will not get married dahil buntis lang ako or magkakababy na kami. We want to get married because we both want it and we are both ready not for the baby.
Magbasa panope... before oo kasi kelangan daw para maalis sa kahihiyan yung babae .. ngayon pagnagpakasal ka dahil nabuntis di magandang idea... una sa lahat magpapakasal ka sa taong di mu pa nakakasama sa iisang bubong.. dun ma plang malalaman lahat ng negative side ng bawat isa pagnakatira na kayo sa isang bubong.. pangalawa wala pa mutual understanding namamagitan sa inyo, di sapat na mahal nyo lang ang isat isa para magpakasal kasi minsan jan din nagsisimula ang sakalan☺️
Magbasa paSa experience ko, pinagsisihan ko ang pagpapakasal dahil lang nagkababy ako. Hindi rin po totoo para sakin yung matutunan mong mahalin yung taong mahal ka. Kasi nung nagsama kami parang sa umpisa lang sya magaling. Pakitang gilas ganon. Napressure lang ako sa mga tao sa paligid namin. Hindi ko tinanggap talaga yung alok nya na pagpapakasal pero dahil sa mga tao sa paligid ko at sa trabaho ayun napilitan na. Nakakalungkot makasal sa taong hindi ka sigurado.
Magbasa pafor me no..marriage is a life time commitment..get married when you both feel it's the right time not just because na pressure lang kayo dahil may anak na kayo..you can still function as husband and wife kahit wala nmn kasal..papel lang un..kung di nmn mgampanan mg maayos hindi bukas sa loob nyo prang wala din saysay ang kasal..just my opinion sis..😊
Magbasa paDepende. Kung ramdam mo naman na ung partner mo na talaga ang makakasama mo habang buhay. Why not? Pero mas ok kung kilalanin nyo muna isa't-isa bago mag pakasal. Mag sama muna kyo sa iisang bubong ng ilang taon tsaka kayo mag decide mag pakasal.
Hindi naman po mahalaga ang kasal kasal sa totoo lang po. Ang mahalaga sa ngayon yung mas pag tuunan ng pansin ang baby. Ang kasal nandyan lang naman kung gugustuhin niyo na pareho. Kung masyado pa po maaga para sa age niyo, wag na muna po.
Much better. Pero kung magpapakasal lang kayo dahil may baby, wag po muna. Mas okay magpakasal kung kilala mo na talaga si partner at alam mong pag natali ka sa kanya/sya sayo, kaya nyong tiisin lahat ng problemang dadaan sa inyo.
Depende po sa sitwasyon..kung magpapakasal po kayo dahil sigurado na kayo sa isa't isa, andun yung respeto, pagmamahal, tiwala, at pagkakaintindihan then go, pero kung magpapakasal lang po kayo because of the baby then big NO po.
Sa totoo lang hindi dapat gumawa ng baby kung hindi mo nakikita yung partner mo sa future. Kung natatakot ka magpakasal kasi iniisip mo na baka maghiwalay lang din kayo kapag tumagal kawawa naman ang anak niyo nun.
Depende po . Hindi naman po porket may baby na e magpapakasal na kayo . Depende na rin po yun sa takbo ng relasyon nyo . Magpakasal pag super sure na kayo sa isat isa .
Hoping for a child