2 days pa Lang naiaanak si baby pero sugat na Ang nipples ko...
sugat na Ang nipples ko 2 days pa Lang naiaanak si baby....balak ko Ng i-formula milk dahil talagang sobrang sakit pagnadede na si baby..para kasing Wala sa paglakas Ang gatas ko...

FTM din po ako. Pero exclusive breastfeeding ako sa baby ko. Kasi gusto ko talaga breastmilk lang iinumin nya dahil na din sa mga benefits na makukuha nya sa breast milk na wala sa formula milk. Yung first 2 weeks ko po nagpapadede talaga namang pahirapan, minsan dumadating sa point na naiiyak na ako sa sobrang sakit. Idagdag mo pang iiyak si LO kasi parang hindi sya nabubusog sa gatas ko. So dagdag stress pa sakin kasi feeling ko not enough yung gatas ko para sa baby ko. Madalas pa kapag dedede na sya kinakabahan ako sa isip ko "ito na naman, masasaktan na naman ako". Yung mga nipples ko kasi puro sugat na. Pero hindi ako tumigil magpadede, kahit masakit na sige lang. Unli latch pa din kahit sa isip ko parang dudugo na ang nipples ko sa sugat. Lagi din ako umiinom ng pinaglagaan ng malunggay para makatulong sa pagdami ng gatas ko. Ngayon after 2 months marami na akong milk. Hindi na din masakit kapag nadede sakin si baby. One month na lang babalik na ako sa work, pero wala akong plano tumigil magpadede sa LO ko. Tuloy mo lang yan sis. Ikaw mismo makakadiskubre sa sarili mo kung gano ka powerfull ang breast milk natin para sa baby mo. Search ka din po ng proper way of latching, pwede mo search sa Google or panoorin sa Youtube. Sa una talaga mahirap sis. Isipin mo na lang lahat ng mommies na gustong magpabreastfeed dumaan sa ganyan pero promise worth it lahat ng sakit at hirap mo.
Magbasa pa