Stay at home.
Stay at home. Full time mama. Need ko lang ng encouragement. Kasi napapagod na ako. Mentally and physically. Hindi ako pagod as mother. Pero pagod ako being a wife. Presently, hindi kami nagpapansinan ni hubby for almost like 2weeks in a row. Nag start ito na parang ako ang kumikilos. Nasa bahay sya ngayon and work-from-home sya for almost 2months na ata. And nag start na rin mag school ang toddler ko. Nasa prep na sya. 2 days face-to-face. 3days online. At first, okay naman. He makes coffee for me. Pero nung kinatagalan, parang wala na effort. Small things na messy, ako pa gagawa. Like, ung basura hindi niya tinatapon. Andun lang sa kitchen table. Most of the times, ako nag huhugas ng plates after kumain. We are not in talking terms. Alam ko mali un. Especially ung silent treatment. I was like this when growing up. My mother was like this too. Siguro nakuha ko toh sa kanya. Ung anniversary namin, wala lang. I dont mind if wala sya gift sa akin. Binilhan ko sya ng cake. Parang ako lang ata kumain ng cake. Hanggang nag expired ang cake. Small slice ng cake lang kinain nya. Then, hindi na sya kumain. Hindi nya na ako pinagtitimpla ng coffee. Ang akin lang, wala sya effort to try. Effort to ask me kamusta ako. Ano pwede ko gawain. Parang mas marami pa ata sya time kaysa sa akin. He can go out with friends. Laugh with his friends sa chats. Wala ako makausap. Wala. And i wake up every morning, to make breakfast for my family. Then, after ko sinundo si toddler sa school, i make lunch for them. Ni mag saing hindi nya magawa. Wala ako makausap. Maka kwentuhan. Wala. I dont like to tell this sa mga kapatid ko kasi problema ko toh sa asawa ko. Wala ako makakwentuhan. Ang mga friends ko, hindi ko sila makwentuhan kasi mas matanda ako sa kanila. And i dont want to ruin his reputation. I keep on crying pag napupuno na ako. I already confront this to him before, pero parang amnesia sya. After 1 month, balik nanaman sya sa dati. Ang hirap maging asawa. Ang hirap. Ang pagiging nanay, naiinitindihan ko kasi toddler palang. Hindi ako nahihirapan as a mother, pero as a wife/spouse. Oo. Napapagod ako. Napapagod na rin ako i-confront sya. Im too tired. Too tired. #SAHM #sadwife #advice #depressed #tiring
God is good and great!