HAAAAY

Spoiled ba kayo ngayong buntis kayo? Ako kasi hindi. Hindi ko mafeel na special kami ni Baby. Pag may gusto akong food kahit sabihin ko sa bf ko wala lang. Pag may shineshare ako about kay Baby wala lang din. Nakakasama ng loob. Ewan. Parang nawawalan ako ng gana parang walang excited sa baby ko. Share ko lang. Walang mapagsabihan eh.

49 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di ko masasabing spoiled, pero well loved ung term na ginagamit ko. Lahat ng gusto ko kainin binibigay ng asawa ko as long as healthy para samin ni baby. Lagi sya kasama bawat check up ko and nakikinig sya tlga sa mga sinasabi ng ob ko. Kapag may konting masakit sa akin super nagaalala na sya. Second baby na namin to pero super alaga pdn kami. Now, di na nya ko pinayagan mag work muna hanggang sa ML ko kasi nahihirapan na ko magbyahe since 8months na si baby and mabigat na sya.

Magbasa pa