HAAAAY

Spoiled ba kayo ngayong buntis kayo? Ako kasi hindi. Hindi ko mafeel na special kami ni Baby. Pag may gusto akong food kahit sabihin ko sa bf ko wala lang. Pag may shineshare ako about kay Baby wala lang din. Nakakasama ng loob. Ewan. Parang nawawalan ako ng gana parang walang excited sa baby ko. Share ko lang. Walang mapagsabihan eh.

49 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sa awa ng Diyos momshie, di naman siguro spoiled pero sobrang supportive ng partner ko. Sinasabi ko kung anong gusto ko kainin, kung hindi available lutuin, sasabihin nya agad mag bihis kana at hanap tayo kung saan restaurant pwede kainin yan. Tapos sasabihin nya, pwede kapa mag order kung may gusto ka pang kainin. Nung naglilihi pa ako, minsan hatinggabi gusto kong kumain ng burger, naghahanap agad sya ng 24 hours ng fastfood chain like Mcdonalds. At nakangiti sya habang nakatingin sa akin na sarap na sarap sa kinakain ko. 😊

Magbasa pa