9months ftm
Can someone share your experience? mga first time mom na nanganak na? in a way na di kami matatakot? huhu how was it po mga mommy? ano po ginawa sa inyo right after? may tatahiin pa po ba? sana po may time kayo to share I’d really appreciate it po thankyou in advance, Godbless you all! ♥️

ayaw ko man sabihin pero expect mo na ang sobrang masasaktan ka lalo pag nagstart na humilab sunud sunod ang puson/bumuka ang cervix mo.. super sakit, di mo malaman kung binibiyak na balakang, likod, tatawag ka ng maraming santo 😅 ako nun mangiyak ngiyak na sa asawa ko. hinahampas ko pa pero di ako makasigaw kasi nakakapanghina.. di to pananakot kasi yun naman talaga ang mafifeel kung normal delivery ka. oras oras IE lalo na pag nag- active labor na like 6-8cm.. may tatahiin talaga sa pwerta mo kung nagcut ang OB mo run para mailabas si baby, lalo kung malaki ang baby or pag napunit bigla kasi umire ka ng di tama. all in all. very painful, pero worth it naman..after parang wala na lang yung sakit. aralin mo pano huminga ng maayos at pano umire ng tama. bawal sumigaw para di ka manghina. lakasan ang loob at magdasal.
Magbasa pa