MAY UBO SI BABY

sobrang worried na po ako mga momsh😰 1 month & 20 days palang yung lo ko may plema na yung ubo nya, pinacheck up ko na sya sa health center dito samin at wala silang iniresitang gamot, sabi lang nila sakin pasuso lang daw ng pasuso kasi breastfeeding naman ako. trinay din namin magtanong sa mga pharmacist ganon din yung sagot nila breastfeeding lang daw. pero nagwoworried napo tlga ako ky baby matunog na kasi yung ubo nya at may kasama ng plema, hndi po namin sya madala sa pedia kasi sakto lang yung nasasahod ng asawa ko may same case po ba dito sa baby ko na magto 2months palang may ubo na? ano po ginawa nyo para gumaling si baby? pahelp naman po mga mommies?😭😭 #FTM

MAY UBO SI BABY
51 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, I hope po na you can have him checked na ng pedia. Kasi very young pa talaga si baby mo po and may plema. Around that age po nagkaubo din ang baby ko, and hindi ko alam na bronchitis naraw pala until I had him checked sa pedia nya. Mahirap kasi mommy kapag maglead sya to other conditions like bronchitis or worse, pneumonia. Other than kawawa po si baby, mas lalaki rin ang gastos. Kayo parin naman mommy ang magdecide, just want you and your baby to be safe po :) And mas gagaan din po ang loob mo once mapacheck mo na sya and mabigyan sya ng treatment or gamot na dapat talaga sa kanya. Nauunawaan ko po ikaw sa budget, very iwas din po kami sa gastos. Pero worth it naman po kung para sa health ng babies natin. And nung inask ko ang pedia ni baby kung ano ang mga dapat bantayan sa pneumonia, kasi hindi daw palagi na may kasama itong lagnat, kahit raw ubo lang. Bantayan daw kung mabilis or nahihirapan huminga si baby. Godbless mommy! Pagpray ko po kayo ng little one mo. 😊

Magbasa pa
3y ago

And to add pala mommy, EBF din po ako kay baby noon until now pero kinailangan parin nya ang reseta ng pedia na antibiotic at pang expel ng plema.

Related Articles