Postpartum po ba itong nararamdaman ko?
Sobrang stress, sakit sa ulo.π Literal na napakahirap mag alaga ng anak ng ikaw lang mag isa. Gawaing bahay at pagluluto iyo lahat.π Nagluluto ako ngaun iyak ng iyak yung anak ko. binuhat ko na iyak pa din ng iyak, sakit sa ulo nangangapagalitan ko na.πHindi ganito yung inaasahan kong magiging ako kapag isa na akong ina. Ang tagal ko kasing pinangarap to noon, madalas pa ako manghiram ng baby sa kapitbahay dahil sobrang hilig ko sa baby. Nag baby sitter din ako noon pero nakayanan ko at tumagal ako ng sampung taon. Pero ngaun nandito na ako, isang ina. pinangarap ko ng matagal pero bakit ganito? kapag napapagalitan ko anak ko minsan napapataas na boses ko sa sobrang stress pakiramdam ko napakasama kong nanay sa kanya.πLahat ng pinangarap ko noon na gagawin ko kapag nagkababy na ako lahat yun pangarap. Literal na mahirap magsalita at humusga kung wala ka sa sitwasyon. nagagalit kasi ako noon kapag may pamangkin ako na umiiyak at pinapabayaan ng ate ko. siguro sa stress na din nya sa dami ng kanyang gawain. Ngayon nauunawaan ko na lahat. sobrang losyang ko na nga e, mataba pa. Napakalayo sa dating ako na sexy , makinis at maganda. bakit ko nasabi? naririnig ko palagi sa asawa ko.π tumatawa lang ako pero deep inside sobrang sakit. πππ