MASAMA ANG LOOB

Sobrang sama ng loob ko sa tatay ng magiging baby namen 😔 bakit parang hindi ko feel ung pagaaruga nya sakin, samantalang dati nung mag jowa palang kami nun sa trabaho maeffort sya pero ngaun nabuntis nya ko di ko man mafeel ung concern nya sakin binabalewala nya nako, hindi nya man lang kaya ipag malaki anak nya sa mga katrabaho namen noon. Kailangan mo pa sya sabihan o ipaaalala tungkol sa sustento bago sya magbigay. Bihira lang din sya mag punta sa bahay para bisitahin kami ni baby ko. Kung kailan malapit nako manganak nakakalungkot lang mukhang lalaki ung baby ko na walang ama. Sabi nya din sakin nun kung di man kami para sa isat isa wag ko daw ilayo anak namen. Wala man lang sya kusa na para mabuo kami as family pero parang malabo mangyare 😔😔😔 #36wks3days #1sttimemommy

MASAMA ANG LOOB
48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi same experience tayo, ako lagi nag iinitiate sa kung ano dapat nya gawin kahit na minsan nakakapagod na pero ayokong maging selfish kaya titiisin ko nlng hanggat sa manganak ako. Narealize ko na kahit minsan di na sha nag eeffort kagaya noon hahayaan ko nalang as long as nagbibigay sha pangsustento para sa pagbubuntis ko, para kay baby naman din to. Hayaan mo nalang mommie, pagnakaraos na tayo dapat independent tayo sa needs natin kasi tayo lang maaasahan ni baby 😊 cheer up nalang and pray for a healthy pregnancy, healthy baby and healthy mommy.

Magbasa pa
5y ago

sa totoo lang okay lang din naman tama naman tita mo, may pride din naman tayo kaya choice mo na din kung wag mo na lang shang kulitin pa. Ako kasi mahirap humingi tulong sa mga tita ko kasi nga dismayado parin sila lahat sakin. Tiis tiis lang ako dito kakahingi ng kailangan para ni baby, kahit wala na para sakin, ang hirap kaya mag crave crave tapos wala, hindi kasali sa budget yung cravings eh, wala din naman akong mapaghihingian na iba aside sa partner ko ngayon. Bawi nalang tayo soon.