Napalo at nasampal ang anak..

Sobrang sakit na sa dibdib, hindi ko maintindihan ang aking anak ayaw sa lahat tuwing kakain iiyak tuwing maliligo iiyak tuwing hihilamusan, bibihisan panay ang tantrums at pagsigaw. Maganda na sana ang gabi nmin pero nasira dahil sa tantrums, di napigilan mapagbuhatan ng kamay and bata. Sinisisi ako ng ama nya ngayon dhil hindi ko matutukan mga anak nmin dhil sa nagwowork din ako. Pagod na pagod na ang utak ko ang isip ko kung papano iapproach ang bata sinusubukan nman nmin magasawa na makarelate sa bata pero bkit ganun lahat nalang iniiyakan at inaayawan nya. Parang laking pagsisisi ko na naging magulang ako. Gusto ko nlang mawala dito sa mundo sa sobrang sakit sa dibdib parang hopeless case na din kami.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy isipin mo na maswerte ka kasi iyak ni baby ang problema mo . Yakapin mo lang siya . tingin ko hinahanap niya at naglalambing siya sayo kasi tulad nga ng Sabi mo pagod ka din sa trabaho.. affected din si baby dyan for sure . kasi iba ang alaga ng nanay hinahanap ka niya kaya lahat iniiyakan niya.. napakaswerte mo mommy kasi wala problema Ang baby mo.. ang anak Kong panganay with ASD iniintindi ko lahat ng iniiyakan niya niyayakap siya hindi pinagbubuhatan ng kamay kung napapalo man never ko sinampal... sa pwet lang at mahina ang Palo para lang alam niya may Mali siya . umiiyak na nga e means may masamasa kalooban niya tapos sasampalin pa? may epekto Yun lalo sa emosyon nila .. kaya mo yan mommy Pag humupa ang iyak ng anak mo kausapin mo siya nag hahanap yan ng atensyon mo..

Magbasa pa