Napalo at nasampal ang anak..

Sobrang sakit na sa dibdib, hindi ko maintindihan ang aking anak ayaw sa lahat tuwing kakain iiyak tuwing maliligo iiyak tuwing hihilamusan, bibihisan panay ang tantrums at pagsigaw. Maganda na sana ang gabi nmin pero nasira dahil sa tantrums, di napigilan mapagbuhatan ng kamay and bata. Sinisisi ako ng ama nya ngayon dhil hindi ko matutukan mga anak nmin dhil sa nagwowork din ako. Pagod na pagod na ang utak ko ang isip ko kung papano iapproach ang bata sinusubukan nman nmin magasawa na makarelate sa bata pero bkit ganun lahat nalang iniiyakan at inaayawan nya. Parang laking pagsisisi ko na naging magulang ako. Gusto ko nlang mawala dito sa mundo sa sobrang sakit sa dibdib parang hopeless case na din kami.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang mga bata po kasi ay alam kung anong nararamdaman or emotion ng mga magulang nila habang kaharap sila. Baka naman po na irritable po kayong mag asawa kpg nakakaharap nyo na sya kaya nagkakagnyan ang anak ninyo. If madalas din kayong magtalo ng asawa mo at nakikita at naririnig nya yun nagiging cause din po yan ng pagtatantrums at pagiging irritable ng bata. Even Psychologist po papayuhan po kayong wag mag away na nakikita or naririnig ng anak nyo. Try nyo pong magsmile sknya at ikiss sya kpg umuuwi kayo galing sa work. wag nyo din pong iparamdam na pagod kayo or bad mood kayo kasi feeling ng anak nyo unwanted sya. Ang bilis din po kasi nyang nasundan agad kaya attention seeker sya. Pakisabihan po asawa nyo na dpt imbes na manisi eh dpt tumulong sya sa pag papatahan sa anak ninyo. Gawa po kayo ng routine everyday. Pag uwi nyong work try nyong pasalubungan sya. Tapos bago matulog i-baby nyo din sya. Kantahan nyo sya habang yakap or kausapin nyo sya. Kahit 3yrs old plng sya mapifeel nya ung ibig nyong sabihin sknya. Hope makatulong itong comment ko. 😊😊

Magbasa pa
3y ago

mii thank you mi, eye opener itong advise mo. baka nga di kmi aware sa mga kinikilos at pinapakita nmin..