rant

Sobrang naninibago na po ako sa partner ko. Before pa man din ako mabuntis ganto na din. Wala ang lungkot lang na dati di kayo makatulog ng di magkausap o magkachat man lang nang ilang oras tas ngayon ilang minuto nlng kayo maguusap napakatagal pa nya magreply. Bakit kaya sila ganyan no? Sa una lang talaga. Sana una palang pinakita na nila ugali nila para alam mo kung ano haharapin mo in the future pero syempre hindi naman ganun ang buhay. Para tuloy pinagsisisihan ko na magkakaanak kami. Parang di pako ready. Well di naman talaga ako ready financially, emotionally, physically and psychologically. Ang hirap kapag lahat kaya mong gawin para sakanya. Kaya mo lhat itigil para makausap sya pero kabaliktaran naman sya.. dati ganyna din sya kaso people change ika nga. Every night umiiyak ako dahil di ko na nararamdaman eh. Kahit ilang beses ko na inopen up sakanya wala padin pagbabago bakit ganun.. Sorry for this rant. Tinulugan na nya ko eh. I have so much in my mind tbh. And it's killing me parang sasabog na ung puso ko sa sakit.

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

iwas stress ka momsh. mas isipin mo po baby mo muna yaan mo muna mister mo mag babago dn yan pag lumabas na baby nyo. ganyan tlaga mga boys eh saka masyado tlaga tayong emotional mga girls lalo na pag buntis. Dami natin naiisip, dami drama sa buhay kahit ang babaw lang naiiyak na tayo agad. Pray lang po lagi si Lord na lang kausapin nyo gagaan pa pakiramdam nyo. Focus ka nlng muna kay baby kasi kung stress ka mas stress po yan sa loob ng tummy nyo, kawawa nman c baby nyan pag ganyan. Eat healthy foods nlng dn po idaan sa gv ang lahat.

Magbasa pa

Sadiya yata ganto ang mga lalaki, tsk samantala nung manliligaw pa kayang abutin daw ang langit makuha lang ang oo pero pag nakuha na ang lahat sayo ayan na puro sama ng loob pala ang ibibigay haaaay! Ganyan din ang asawa ko 😔siguro tayo mga babae bagohin din natin ang sarili natin iparamdam din natin sa mga asawa natin na hinde lang sila ang buhay natin kung paano nila tayo etrato ganun din natin sila tratohin para maramdaman nila ang ginagawa nila na nakakasakit pala.. LOVE YOURSELF FIRST para dika masaktan sa bandang huli.

Magbasa pa
5y ago

Kaya nga tapos sasabihin pa OA o nagdadrama lng. Sakit isipin.

Ganyan din asawa ko,, sa una lang sweet,, sa una lang palagi lahat,, nakakasama lang ng loob na parang mas importante pa sa knila ung ibang tao, barkada,, tapos pag nagdrama ka na, cla pa galit at sasabihing im happy with them, im happy with my family,, eh ano kame ni baby? Di ba pamilyang binubuo nya, di ba sya masaya samen,,,? Nakakalungkot lang na tayong mga babae hindi makakatulog pag may samaan ng loob,, pero clang mga lalaki napaka himbing ng tulog, habang tayo umiiyak,,

Magbasa pa
5y ago

I feel you momsh. Tayong mga babae kaya natin ibigay lahat lahat pero sila konti lang hinihingi natin di pa maibigay. Hindi ba nila naiisip we've sacrificed our social life para sa pamilya. Pero sila mas inuna pa yung iba.

VIP Member

I feel you . Ganyang ganyan ako ngayon . Nung wala pang baby sobrang sweet nya isang salita ko lang na puntahan ako pupuntahan nya ko kaht madaling araw kaht malayo bahay nya nung nagka baby na kaht may sched kme ng checkup di nya ko pinunthan . Dami dahilan . Tas ngayon kinukulit ko sya na di na ba nya ko kaya panindigan . Ayaw ako sagutin kaya nakakadepress lalo . Di nila tayo naiintndhan

Magbasa pa

Wala namang Perpektong relasyon. Lahat naman dumadaan sa ligawan at pagpapakita ng mga Magandang paguugali, Pagtumagal na at komportable na kayo sa isat isa dapat mahanap nyo padin ung rason kung bakit kayo nagstay dun sa tao na yon at kung bakit mo sya Mahal. Kung Maging cold man pwede pa naman Painitin 👌🤭 Wag lang ung Cold na kasi may iba na pala

Magbasa pa

Manlalamig lang yan kapag may pinagiinitang bago. Dapat ready ka sa lahat, usually kasi ganyan eh. Kahit na anong gawin mo pag may pinag kakaabalahan ng iba burado kana lagi kanalang nasa taking for granted area, but anyways try mo parin sia kausapin mo tapatin sa nararamdaman mo kung wala talagang Pake alams na.

Magbasa pa

Same here mom, bait2 ni mr sakin nung wala pa kmi bb, pero pglbs ni bb, wala na yung taong dati mong nkilala, Ngayon malayo kmi sa isat isa nag aaway pa, tapos aabot pa ng kinsinas tsaka mag chat sya sa akin. . Kaya ngayon kay bb ako humuhugot ng lakas kasi mas importante ang anak k sa mr.

5y ago

Iwan ko lang , naiiyak nga ako lagi pag kinakausap ko mr ko tapos baliwala lng nya nararamdaman ko. Minsan tuwing tinitigan ko bb ko umiiyak dn, pero my tuwa lalo na nasa lungkot ka tapos makita mo ngiti ng bb.

I feel you mommy. Pilit ko inaayos relationship namim ng fiance ko para sa baby namin galing kaso ako sa broken family kaya hanggat maaari gusto ko naman mabigyan ng maayos na family ang baby ko. Sana narrealize nila ung sakit na nararamdaman natin sa twing nag babago sila

Kaya pag nagmahal payo ko hanapin nyo yung kayo ang mahal talaga hindi yung kayo ang mas nagmamahal. Ang nangyari ksi diyan kayo ang mas nagmahal samantalang si bf/partner or napangasawa niyo ay sakto lang kaya ganyan mabilis nagbabago

Boys are the greatest scammer. I think possible na may bagong pinagkakaabalahan either something or someone. Kung ayaw na nya sayo. Leave him. Find a real MAN. Iba ang boy sa man. Iba ang boyfriend sa husband 😔