Haaay

Sobrang hirap ng buhay ngayon. Sobrang naawa na ko sa baby ko kasi kahit sabon nya di ko sya maibili 3 days ko ng pinapaliguan ng walang sabon si baby lalagyan ko nalang kalamansi ang water nya then linisan ko lang sya maigi. Sa lababo ko lang din sya pinapaliguan kakainggit yung ibang mommies na nakakabili ng liguan ni baby nila😞 ilang months na rin kasing walang trabaho lip ko, sumasali ako sa mga contest dito baka sakali manalo tska nageextra extra lang kami benta ng turon kaso neto lang last wednesday naglockdown na naman samin kaya nalugi yung turon ko kami nalang kumakain kasi walang nalabas na mga tao. Sobrang hirap, last year nung nalaman namin ni lip na buntis ako todo ipon kami dami namin pinangarap na damit, essentials at gamit ni baby pero ngayon naglaho lahat yon ng dahil sa pandemic na to, yung ipon namin nagastos na lahat😒 buti nalang din bf mom ako di nagugutom ang baby ko😒 hingi lang ako malunggay sa kapitbahay sasabawan ko at yung ang inuulam ko lagi para kahit wala man masyado gamit baby ko e makabawi naman ako sa gatas nya. Hays. Sa mga mommies na kagaya ko onting tiis nalang, kaya natin to. Nandyan si God para satin at alam kong di nya tayo papabayaan.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Try mong i-online yung turon mo mommy pa-add ka ng delivery fee or kung may bike mister mo pwede mo syang gawing biker taga hatid ng turon sa mga customer mo. Alam ko kasi pwede lumabas ang mga rider during lockdown hehe. Pwede kadin mag-barter mommy, try mo enjoy doon. GodBless you πŸ’–