wag niyo po ako husgahan bilang isang ina

Sobrang hirap itago pregnancy ko?hanggang ngayon di ko pa nasasabi sa family ko na buntis ako?3 months na kong buntis and this feb is mag fofour months preggy na ako napaoangunahan ako ng takot?sapagkat gusto itong i abort ng sarili niyang ama?nasasaktan ako kasi nagagawa niya yun sa walang muwang na bata tuwing gabi napapaiyak na lang ako?oo aamin ko nung una gusto ko din tong tanggalin kasi di ko pa kaya but nung narinig ko na heartbeat ng baby ko narealize ko na mali pala?gusto ko siyang buhayin pero di ko alam kung paano ko to siismulan?ang sakit sakit di siya kayang panandigan ng tatay niya?nahihiya ako sa mga magulang ko kapag nag kataon?mahal na mahal ko baby ko supeeeer?natatakot ako sana gabayan ako ng panginoon?binabalak ko ding mag layas at buhayin ko anak ko ng mag isa pero natatakot ako kasi di ko alam kung saan ako pupunta at wala rin naman akong pera?di pa ko nakapag pa check up di ko pa nakikita anak ko?kaso may kaso ng ncov yung hospital na pinag papacheck up'an ki?buti na lang di pa halata tiyan ko kasi baka mahalata na nila, sana matulungan nuyo po ako at sana gabayan ako ng panginoon, mas gusto ko na lang mag hirap kesa pumatay sa batang walang muwang??

113 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis, please have the courage to say it to your family. I'm sure that they will understand you. I've been there as well. Mahirap magsabi pero pag nasabi mo na para kang nabunutan ng tinik. Masarap sa feeling plus hindi na ma sstress si baby. f magalit man sila, sa una lang yun, sure ako lalambot din puso nila along the way. :) and wag ka mag layas sis, mahirap mag isa pag nag bubuntis and after manganak, better surround yourself with your family. SA boyfriend mo naman, be strong sis. He's not all that. Hindi kawalan ang ganung lalake. Swear ikaw din mahihirapan pag pinilit nyo pa ang pag sasama niyo. Dahil if ever man mag isang bahay kayo, I'm pretty sure hindi ka nya tutulungan sa baby mo or ma alagaan ka manlang. Edi para kang nag karon ng dalawang anak.

Magbasa pa

I feel you😐😐15 palang ako ng nabuntis ako ng bf KO dahil sa sobrang takot KO nag rebeldi ako kahit Saan ako natutulog , nag babantay nlng ako ng bata para may pera ako hanggang sa lumaki tiyan ko don nag stop bf KO mag school at anamin niya buntis ako Hindi tanggap ng magulang ng bf KO so nag board kami hang gang nawalan sya ng trbho nakitira Ako sa kanila 8months na tiyan KO non hang gang sa Hindi KO nah talaga kaya ang mga naririnig KO sa parents nya naisipan Kong umuwi at doonna shook Sila bat Hindi KO daw sinabi , umuwi ako ng manganganak na ako ,marami Pa ang Dina anan KO sa Mga kamay ng bf KO noon kinayako kasi ma pride kasi ayaw umuwi ,pero kahit na umuwi AKo parang walang nag bago step mom KO kasi kasama KO Hindi mama KO 😁😁😁😀

Magbasa pa

Eto advice ko sis. Same case kayo ng pinsan ko. Alam mo kung anu ginawa nya? 3months na sya nun dipa rin alam ng fam nya. So pinayuhan ko sya na mas magandang malaman ng magulang nya galing sakanya kesa galing sa bunganga ng mga chismosa. Oo nakakatakot sis, talagang kakabahan ka. Kasi sobrang nakakatakot talaga magalit ang mga magulang. Pero lam mo nung sinabi na nya sa parents nya? Boom. Di sya sinaktan o kahit ano man. Nagalit sila pero di sya binitawan ng masasakit na salita. Ngayon 4months na sya, alagang alaga ng mama nya. Sa umpisa lang naman nnakakatakot yan sis. Pero magulang mo parin sila. Kaya kahit ano mangyare. Tutulungan at tutulungan kapa rin nila 💓 So, kaya mo yan. Andyan lang si God gagabay satin lagi. Pray lang 💓

Magbasa pa

Hayyy dami mong sinasabi sa buhay. Isang post acceptable pa e. Pero paulit ulit ulit ulit ka. Jusme. Nakakaumay basahin. Puro ka kadramahan. Kung mahal mo yang anak mo e di iwanan mo na ng tuluyan ang tatay. Alam mo palang wala kang mapupuntahan pag naglayas ka e bakit itatake mo ang risk na maglayas pa at mapunta sa kung saan pa dahil lang sa takot mo sa parents mo? Umamin ka. Kasalanan mo yan e. Wag kang tumakbo sa kasalanan mo. Nakipagsex ka, dapat expected mo na may chances kang mabuntis. Sa paglayas mo, mapu-put at risk pa yang baby mo. Umamin ka sa magulang mo nang maalagaan ka. Hindi ka naman siguro papatayin ng mga magulang mo jusme ka. Kahit anong drama mo rito, walang mangyayari sa buhay mo hanggat di ka umaamin. 🙄🙄🙄🙄🙄

Magbasa pa
5y ago

seriously? kung wala maganda sasabihin, wag na magcomment. di ka naman nakakatulong. may kanya kanya pinagdadaanan ang tao. ang dungis ata ng ugali mo. tsk 🤦‍♀️

Kahit kelan hindi naging sagot ang abortion when it comes to that situation. I came into that situation na din, di lang isang beses. Dalawa pa. Mahirap, sobrang hirap. Pero di naman na talaga maiiwasan yung galit nila, disappointment pero at the end dahil sila yung pamilya mo, sila yung unang unang masasandalan mo sa sitwasyon mo ngayon. Lakas lang ng loob ang kailangan. After that makakahinga ka na ng maluwag and iwas stress na din kasi yun ang pinaka #1 na bawal para kay Baby. Wag mo na pag aksayahan ng panahon yung tatay niya. If he can be brave enough magpasarap, dapat ganun din siya katapang magpakatatay. Being single mom is not bad at all. Minsan mas nakakabuti pa lalo na kung sakit lang naman talaga sa ulo ang asawa 😉

Magbasa pa
5y ago

Ganun po ba, sige po, sinasaktan din naman niya physically and verbally pero tinanggap ko pa din siya kasi mahal ko siya then now ayaw na niya pakang buhayin anak ko tas sinabi niya di niya daw po ako mahal

Momsh I feel u,nung una natatakot din aqng sbhin s mother q n buntis aq kc conservative po family q.kc nauna ung baby kesa s kasal.pero lakas loob q lng po cnabi at ayon natanggap nrin ng ina q.mas masarap mgbuntis n alam ng family mu kc my support galing s kanila.hwag k po munang mg iisip ng negative.bago k po mgtapat s kanila daan k muna ng simbahan para my lakas k ng loob.at tsak hwag n hwag mo pong ipapalaglag ang baby mu kc malaking kasalanan yan s panginoon.swerte ang mga bata dahil anghel po cla.blessing po cla mula s itaas.kya mommy ipagpatuloy mu lng pong alagaan ang baby n yan at for xur sya rin mgdadala lng swerte sau. Congratz mommy.😊

Magbasa pa

First step na gawin mo mag sabi kana sa family mo. Oo magagalit sila bat mo na gawa yan tpos di papanagutan ng lalaki? Accept mo na magagalit talaga sila. Pero kalaunan mawawala din kasi anak ka nila.. 2nd iwan mo na yang punyeta mong lalaki.. gagawa gawa kayo ng ganyan tpos pag my na buo papa abort?? Gago sya kamo! Mga ganyang pag iisip wlang kwentang maging ama. 3rd mG pray ka kausapin mo yung dyos bigyan ka ng lakas ng loob at tibay ng loob n ma lampasan lahat.. Ako 26 na ako 4months na rin akong pregy yung tatay nito oo gago iniwan ako pero my fully support ako financially... kasi dedemanda ko talaga sya. Pero never nya inisip pahulog toh.

Magbasa pa

Magkapareho tayo sa part na pinangungunahan ng takot na isabi sa magulang natin na buntis tayo takot kasi ako sa magiging reaksyon nila, may conflict kasi ang family ko tas family nang boyfriend ko pero tapos dipa alam ng mga magulang ko na almost a year na kami nagkabalikan tas ngayun 4months na akong buntis pero welcome na welcome naman ako sa side ng partner ko sobrang happy nga ni tita nang malaman nyang buntis ako at magkaka apo na sya, ang pinoproblema lang talaga namin ngayun is kung paano namin sasabihin sa magulang ko ang sitwasyon namin/ko na may malaking conflict ang both sides namin kaya kami naghiwalay noon😔

Magbasa pa
VIP Member

Sis wag ka matakot. Isipin mo na mas nakakatakot kung ipapa-abort mo yung baby mo. Sabihin mo na sa parents mo dahil mas kailangan mo sila. Hindi mawawala yung galit at pagka dismaya nila pag nalaman nila yan, pero soon matatanggap din nila. Sila makakatulong sainyo ng baby mo. Wag kang panghinaan ng loob. Isipin mo kapakanan ni baby. Kailangan nyo na din magpacheck up so sana as soon as possible, masabi mo na sakanila. Hindi solusyon yung paglayas tapos panindigan mag isa yung bata. Hindi mo kakayanin sis. Kakailanganin mo pa din ng gabay ng magulang lalo't first time mom ka. Cheer up sis. Para sa baby mo. Kaya mo yan ☺️

Magbasa pa

Same tyo ng situation 6 years ago, 16 years old lng ako non sis.. Kya takot din ako malamang ng parents ko... Sinubukan din namin ipalagalag ang bby gurl ko, pero natakot ako, hndi rin ako Kya panindigan ng bf ko noon pero nilabanan ko takot ko.. Wala ko pakilam sa sasabhin ng iba naging matapang ng panahon iyon, hndi mo sinabi pero kusa nila nalaman🤣 ou nagalit sila sa una pero sa huli sila lng din naging karamay ko.. sila rin ngyon Ang tumayo magulang sa anak ko, dahil sa huli iniwan dn ako noon NG bf ko.. but now Happy married nko masaya ako dahil Diyos Ang naging sandigan ko.. magtiwala kalang din sa knya. 😇😇

Magbasa pa