wag niyo po ako husgahan bilang isang ina

Sobrang hirap itago pregnancy ko?hanggang ngayon di ko pa nasasabi sa family ko na buntis ako?3 months na kong buntis and this feb is mag fofour months preggy na ako napaoangunahan ako ng takot?sapagkat gusto itong i abort ng sarili niyang ama?nasasaktan ako kasi nagagawa niya yun sa walang muwang na bata tuwing gabi napapaiyak na lang ako?oo aamin ko nung una gusto ko din tong tanggalin kasi di ko pa kaya but nung narinig ko na heartbeat ng baby ko narealize ko na mali pala?gusto ko siyang buhayin pero di ko alam kung paano ko to siismulan?ang sakit sakit di siya kayang panandigan ng tatay niya?nahihiya ako sa mga magulang ko kapag nag kataon?mahal na mahal ko baby ko supeeeer?natatakot ako sana gabayan ako ng panginoon?binabalak ko ding mag layas at buhayin ko anak ko ng mag isa pero natatakot ako kasi di ko alam kung saan ako pupunta at wala rin naman akong pera?di pa ko nakapag pa check up di ko pa nakikita anak ko?kaso may kaso ng ncov yung hospital na pinag papacheck up'an ki?buti na lang di pa halata tiyan ko kasi baka mahalata na nila, sana matulungan nuyo po ako at sana gabayan ako ng panginoon, mas gusto ko na lang mag hirap kesa pumatay sa batang walang muwang??

113 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kahit anong kasalanan pa nating mga anak, at nanay natin ang nag iisa at unang mkakaintindi satin :) Siguro sa una di mo magustuhan reaction nila kase magugulat sila sa sasabihin mo pero di lilipas ang usapan na maiintindihan ka nila lalo na ang nanay mo :) Ngayon yung panahon na kelangan mo pamilya mo at alam kong masasaktan ang nanay mo pag nalaman niya na hindi ka man lang niya natulungan sa panahon na kelangan mo sia. Pray ka lang momsh, para sa peace of mind mo and ibigay mo ang lahat ng pagmamahal at pag mamahal ng pamilya mo :) Blessing yan, maswerte ka :) Keep fighting mommy for you and for your baby โค๏ธ

Magbasa pa

Ako sis umamin ako 5 months natakot din ako pero mas natakot ako na baka ano mangyari sa baby ko kung di ako magpacheck up or paprenatal. Boyfriwnd ko walang trabaho. Kaya kailangan ko umamin para matulugan ako ng parents ko or gabayan sa pag buntis . Yung time na umamin ako kala ko kalit sila kala ko mag wild. Di pala. Sabi ni papa " "ingatan mo yan, nandyan na yan" tas sabi ko "yun lang ?"hahahahhaa naiyak ako sa kabaitan ng magulang ko. Kaya yun next week binigyan na ako ng pero pang prenatal ko, mga vitamins mga pang laboratory test.. Nag pasalamat ako sa panginuon na binigyan akong ng magulang na mababait hahahha

Magbasa pa
5y ago

Sis kaya mo yan kainin mo yan takot mo para kay baby

sis .sa totoo lng ang hirap ng sitwasyun mo ,but u need to face it with a prayer๐Ÿ‘tiwala ka lng sa panginoon matatanggap den yan ng pamilya mo,tanggapin mo lng kung anu masasabi sau ng pamilya mo once na malaman nilang preggy ka.kesa pumatay ka ng batang walang kamuwang muwang.panindigan mo na magiging isa kang mapalad na ina .at waq mona isipin ang magiging tatay ng anak mo.kc sa umpisa palang panget na ung words nyang ipa abort ang bata sa sinapupunan mo๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”iresponsableng ama yan.kaya its better to live alone with a blessful living.magpasalamat ka at biniyayaan ka.never to abort ur baby ๐Ÿ‘

Magbasa pa

Parehas na parehas tayo ng sitwasyon ngayon. Kaka 4months lang din ng tyan ko ngayong feb and hindi pa alam ng parents ko although nahahalata na ni mama kase malaki na tyan ko. Yung nakabuntis sakin wala nadin bigla nalang di nagparamdam. Sobrang hirap sis ramdam ko nararamdaman mo. Di ko alam pano bubwelo para masabi ko kay mama kase natatakot ako. Di padin ako nakakapagpacheck up kahit isang beses. Mahirap sarilinin lahat. Makakaisip ka talaga ng di maganda kaya libangin mo sarili mo. Maghanap ka ng kaibigan na mapagsasabihan mo. Just keep strong to us and to our little one's. Makakaraos din tayo :)

Magbasa pa

Same situation tayo mamsh! Kaya mo yan. Nung una di ko rin alam kung pano ko sasabihin nilakasan ko lang loob ko tinanggap ko lahat ng sasabihin ng family ko. Ttanggapin ka naman nila e. Sila lang makakatulong sayo sa ganyang sitwasyon mo ngayon. Dun sa tatay ng anak mo hayaan mo na yon! Wag mo na intindihin kaya mo yan ma stress ka lang pag intindihin mo pa yon. Magging okay din ang lahat mamsh! Kakapanganak ko lang ngayon mamsh! Sobrang worth it lahat ng sacrifices ko nung nakita ko baby ko โ™ฅ๏ธ maiiyak ka nalang tlga sa sobrang saya!โ˜บ๏ธ be strong mamsh! Kaya mo yan ๐Ÿ˜˜

Magbasa pa
5y ago

Pray ka lang parati diyos lang pwede mong maging sandalan sa ngayon. ๐Ÿ™ kapit lang mamsh!โ™ฅ๏ธ

Kausapin mo lang parents mo. Ganyan din story ko gusto ipaabort ng sariling ama ang baby ko pero di ko sya sinunod hanggang sa maghiwalay na lang kami and ayun sinabi ko sa parents ko una natatakot din ako magsabi kasi nagiisang anak ako na babae grabe yung naramdaman ko. Kasama ko pa nga nagsabi yung friend ko at nanay nya e. Pero kailangan mo talaga yang sabihin mas maganda habang mas maaga pa para maalagaan ako kasi 6 months na pala tyan ko nung nalaman namin. Tanggap nila yan tiwala lang. ๐Ÿ˜Š Due date ko this february 15. Pakatatag ka lang goodluck and congrats ๐Ÿ’–

Magbasa pa

Sis... Wag matakot sa una lang sila magagalit sayo pero d ka parin nila papabayaan. Kasi apo nila yan lalo na ngayon sa sitwasyon mo na hindi pa handa yung ama nya. Ako nga first baby ko 15 years old ako and ako lang ang inaasahan ng familya ko makakatapos at nag iisa pa akong babae. Sa subrang takot ko sabihin sa mga magulang ko na hindi ako kaya pa Nindigan ng ama ng baby ko at buntis ako ..naisip ko mag pakamatay ...๐Ÿ˜“ sa huli mas lalo ko lang na pabigat yung sitwasyon ko sa subrang stress nag dilikado pa buhay ng baby ko..... (SKL)

Magbasa pa

Nakaka loka ka puro ka drama at kuda, kung mahal mo talaga, gumawa ka na ng action! Sabihin mo na sa parents mo, kung talagang ayaw mo ipalaglag yan! Paulit ulit ka sa mga post mo kesyo ayaw mo palaglag eh wala ka naman ginagawa. Nagdadalawang isip ka pa nga. Bubuka bukaka ka kasi tapos ganyan. Solusyunan mo! Hindi puro ka post na mahal mo at ayaw mo palaglag kesyo bf mo may gusto, leche kung ayaw mo talaga iiwan mo tatay nyan at sasabihin mo nalang sa parents mo at tanggapin ang pagalit or consequence sayo. Paulit ulit ka ng post mo, untog kita sa jowa mong bobo eh

Magbasa pa
5y ago

TRUTH! BOBO NIYA NALANG KUNG SUNDIN NIYA PA KAGUSTUHAN NG BF NIYA. IBIG SABIHIN, GUSTO NIYABDIN GAWIN YUN, SASYANH NAGHAHANAO LANG SIYABNG EXCUSES SA SARILI NIYA OARA DI SIYA NAGMUKHANG MASAMA IN THE END.

Gnyan din ako sa first baby ko. Bunso ako at nagaaral pa that time. 3rd yr 2nd sem nung nabuntis ako. So manganganak ako mag 2nd sem ng 4th yr ko. Sinabi ko sa mom ko hakos bugbugin ako. Pero nanay din sya alam nyang hindi pwedeng ipalaglag kasi msama at dahil nakunan din sya before kaya masakit mamatayan ng anak. Maiintindihan ka nya. Talk to your mom first. Tnggapin mo na sasama loob nya. Suyuin mo padin at iparamdam mo n nagsisisi ka na napaaga ung dating nya at sabihin mo na din ung tungkol sa tatay para masupport ka nya. Mahirap solohin yan mamsh.

Magbasa pa

Sis sabihin mo na sa family mo I know mahirap kasi ganyan din nangyare sa akin 4mos ko na sinbe sa family ko thru messenger lang kasi di ko kaya sabihin sa personal and alam kong madidisappoint ko sila dahil ako ung bread winner sa family namin. Umiyak mother ko nung nalaman nya ang sakit nun pero after nung ang sarap sa feeling kasi sobrang pag aalaga na nila sayo lulutuan ka ng mga food na healthy para sa inyo ni baby.. Mga ganyan bagay sis masarap sa feeling kaya sabihin mo na sa parents mo kasi tatanggapin at tatanggapin ka nila no matter what ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa