Grabe, buong araw antok! - 14 weeks and 1 day

Sobra yung antok ko mommies. Nagigising ako ng 4am para lang mag CR tapos ang next gising ko na mga 8:30 or 9AM. Magbbreakfast lang tapos makakatulog ako uli. Minsan makakapag lunch ako ng 12:30 tapos makakatulog uli hanggang mga 4 or 5pm. Minsan naman tuloy tuloy tulog ko after breakfast tapos gising ko na mga 3pm para mag lunch tapos makakatulog uli hanggang mga 5 or 6pm. Sa gabi naman mga around 1 or 2am tulog ko tas cycle lang ulit. Ganon din ba kayo mommies nung start ng 2nd Trimester niyo? Parang sobrang tindi kasi ng antok ko, halos wala na akong ginawa buong araw kundi matulog. #1stimemom #firstbaby

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo, mommy! Sabi naman ng mom ko, sulitin na daw natin na nakakatulog pa tayo hangga't gusto natin dahil bukod sa need ng katawan yan ay paglabas naman ni baby, di na tayo makakapahinga masyado.

5y ago

Ayun din sinasabi sakin ng mama ko tsaka mga pinsan ko mommy. Medyo nakakagulat lang talaga minsan na antok parin ako kahit wala naman akong ginawa buong araw kundi matulog lang din. Minsan magigising nalang ako dahil kumukulo na tiyan ko sa gutom. Pero tama po, susulitin ko na dahil bawi naman sa puyatan paglabas ni baby sa March. 🙏