Feeling down..

Sobra na akong nado-down pag nakikita ko yung mga pagbabago sa katawan ko. Tinanggap ko na yung stretch marks na yan tapos dumagdag pa tong rashes ko, sobrang pangit na ng kutis ko. Huhuhu nakakababa ng self esteem ??? Sa buong pagbubuntis ko sobra talaga akong nahirapan. Tas napaparanoid kapa na sana healthy si baby mo paglabas, wala pa man parang feeling ko nararanasan ko na ang PPD. hays, Si God nalang talaga nagpapalakas ng loob ko, sana matapos na to. ? Sorry mga sis, kailangan ko lang ilabas to, parang sasabog na kasi.

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan din ako, sobrang selan ko pa nga nung 1st trimester, tapos sobrang daming pinagawa sakin na laboratories na ang mamahal dahil may hypokelemia at nagkaroon pa ko uti plus pinaulit pa ogtt ko dahil mataas daw blood sugar ko. Meron na din akong stretch marks, at sobrang hirap pa talaga dahil pareho pa kaming umaasa ng hubby ko sa magulang dahil nag-aaral sya. But after all, andyan si hubby na never nang iwan, di pa pumapasok minsan para lang samahan ako magpacheck ups. And very support naman ng parents namin. Kabuwanan ko na din ngayon. 😊 Wag po kayo mafeeling down, gift po yan na binigay saten ni Lord. Kung sa tingin mo nada down ka, paglabas nya worth it ang lahat. 😊❤ Goodluck saten na first time mom.

Magbasa pa