βœ•

23 Replies

VIP Member

First pregnancy, going 5 mos. pero ako mumsh, super duper natutuwa ako sa lahat ng changes sakin, pag napupuyat ako iniicip ko nalang gcng baby ko gsyo kausap, edi kinakausap ko, ung tyan ko na dating flat, lumolobo na ngayon sobra saya ko kasi andun bibi ko, healthy sya mdalas pa malikot nakakatuwa. πŸ’“ ung buhok ko muka ng mangkukulam kasi napaka haba, bawal pa pagupit buhaghag, pero sabi ko ok lang, tatali ko nalang, stretchmarks ko sa pagitan ng hita ko, di nako makakapag shorts. pero ndi ko niregret, mahal na mahal ko si bibi ko, tagal ko sya inantay. I'm turning 26 etong June, namamanas dn, pero keri padin umawra, mas happy ako twing nalalaman ko na healthy kami ng bibi, may panahon naman na makakabawi ang beauty, πŸ’“πŸ’“ sa experience ko lang mumsh, di nmn din parepareho pregnancy, pero kaya mo yan mumsh!! malalagpasan mu din yan cheer up!

Sis, very high-risk ako. Since first month ko ay nakabedrest na ako. 2-3times a week lang ako maligo dahil nilalamig ako noon. Dumating sa time na complete bed rest na talaga, so hindi na ako masyado tumatayo o kahit gumagalaw para lang mag-ayos. Every morning na sabog at laging oily ang buhok ko, nagbibitak lips ko, dry ng mukha ko. Minsan nga twice a day na lang ako nakakapagtoothbrush. Pero ayos lang, basta masiguro kong safe at full term ang baby ko. Iyong pagpapaganda, naranasan na natin 'yan before at pwede ring bumawi after manganak. I've been a workaholic too. Hinahanap ng katawan ko ang trabaho noong una, but when I decided to give my all sa pinagbubuntis ko, hindi na naging mahalaga ang ibang bagay. Luckily, understanding ang husband ko...Lalo na't I cannot attend to his "personal needs" at the moment.

Same tau sis, I'm a nurse by profession d aq sanay n mg stay Lang s bahay. Lalo n nung last utz q advice ni on n mg complete bedrest aw kc sobrang baba mg matress q. Ginive up q lahat trabaho, business q kc sobrang maselan aq, pray Lang Tau n mging okay ang lahat

Para saken hindi naman naten kelangan na mafeeling down eh..dapat iembrace at iaccept naten lahat ng changes na nangyayari saten..kase kalaunan pag tumanda na tayo..lahat ng iniingatan naten na kagandahan at kakinisan sa katawan..maglalaho rin..mawawala..pero ang experience naten ng pagdadala ng anak sa sinapupunan naten ay yun ang kailanman hindi mawawala saten..gang sa pagtanda naten maaalala pa rin naten yun..saka lets just be proud palage sa ating mga sarili..dahil itong katawan nateng ito..pumangit man..ito yung nagdala at nagsakripisyo ng 9 na buwan para lang maisilang ang munting anghel dito sa mundo..kaya wag naten ikakahiya ang ating mga sarili..dahil dakila at bayani tayo para sa ating mga anak..ang mahalaga ay hindi ang pisikal na pangangatawan kundi yung paninindigan naten para sa ating mga anak..

VIP Member

Ganyan din ako, sobrang selan ko pa nga nung 1st trimester, tapos sobrang daming pinagawa sakin na laboratories na ang mamahal dahil may hypokelemia at nagkaroon pa ko uti plus pinaulit pa ogtt ko dahil mataas daw blood sugar ko. Meron na din akong stretch marks, at sobrang hirap pa talaga dahil pareho pa kaming umaasa ng hubby ko sa magulang dahil nag-aaral sya. But after all, andyan si hubby na never nang iwan, di pa pumapasok minsan para lang samahan ako magpacheck ups. And very support naman ng parents namin. Kabuwanan ko na din ngayon. 😊 Wag po kayo mafeeling down, gift po yan na binigay saten ni Lord. Kung sa tingin mo nada down ka, paglabas nya worth it ang lahat. 😊❀ Goodluck saten na first time mom.

Kaloka ka momshie. Yang mga signs na yan perks yan ng pagiging ina. Hindi lahat ng babae nagkakaroon ng ganyan dahil hindi sila nabigyan ng pagkakataon na maging ina. Ikaw conscious ka sa kung anong looks mo pero di mo alam na may naiinggit sayo kc gusto din nila maranasan ang nararansan mo but they can't because they don't have that chance. So think of it kung gusto mo maging isa sa kanila or isa sa aming mga mommies na nararanasan din ang perks ng pagiging ina. Cheer up!

yan dn nrrmdmn ko , πŸ˜₯mjo nhya nga ko sa bf ko n kpg ttngnn ako kc sobra dn pimples ko tpos puro rashes dn ako sa likod at braso, den maitim p kili kili, sobrang pangit n pangit ako sa srili ko n ayaw ko n tlga lumabas kc prang nkkpAranoid n prng lht ng tao mkkslubong nktingn s mga pimples ko😣lagi ko nlng iniisip at umaasa n sa pglabas ng baby ko mwwla ng laht ng kung ano mn ngsitubo sa balt ko at bblik ung dati saka syempre mgkkron n kmi ng mini version nmn πŸ‘Ά

Embrace it momsh normal Yan sa lhat ng babae.. isipin Mo n lng lahat ng nakikita mong maganda eventually pag dadaanan din Yan.. 😊 ska one of a kind experience din Yan n d naranasan NG ibang babae Kaya be thankful madaming babae n gumagastos mabuntis lng at maexperience mga pinag dadaanan mo.. Basta ok Kayo ni hubby.. for sure d Kayo ipagpapalit ni hubby para sa super model.. mag hahanap p din siya anak..πŸ˜‰πŸ˜‰

VIP Member

May mga oras talagang ganyan mararamdaman mo momsh, at marami tayong ganyan. Minsan sa sabihan ka na nga ng ibang tao na ang pangit mo magbuntis hahaha pero yaan mo na, yang strechmark, pimples and other forms ng mask of pregnancy natin si baby naman ang kapalit kaya super worth it. Yung iba hindi nila mararanasan yan kasi di sila magkakaanak, yun na lang lagi mo iisipin.

VIP Member

Ang nagbubuntis talaga mamshie may anxiety normal yun. Yung stretch marks nawawala yan sa lotion, saka dapat kapag nagumpisa ng mangati tyan hindi dapat kinakamot. Lotion lang. Ang gawin mo, magbasa ka, makinig ka ng mga songs, manood ka ng videos, magluto ka ng mga favorite food mo. Para naiibsan yang depression at anxiety mo.

Huwag ka na pong malungkot. Isipin mo na part ito ng napakagandang process para sa ating pagiging ina. Iba iba man ang pinagdadaanan natin pero isipin mo may buhay tayong dinadala. Magandang yugto ng buhay po ito na ipinagkaloob sa atin. Blessing po ang pagkakaron ng anak na nanggaling mismo sa atin. May God bless you mommy.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles