Feeling unwell
Ask ko lang po bakit po kaya ganito ako? Parang feeling ko po laging may kulang sa’min ni hubby. Parang feeling ko po nag bago na siya, well ang totoo po kasi sobrang sweet talaga namin dati syempre po naging mag asawa na kami kaya dumami na priorities. Pero gano’n pa rin naman po siya sweet pa rin kapag may gusto ako tapos galing trabaho lagi siya may uwi sa’kin kapag mga special occasion may regalo. Pero ewan ko po parang nakukulangan pa po ako? Kasi po dati oras-oras magkachat kami no’ng bago pa lang kami tapos tagal po kasi namin nag business 2 years as in bahay shop lang po. Kaso nitong nagkapandemic need niya mag extra work eh rider po siya ngayon kaya minsan hindi na talaga niya ako narereplyan. Feeling ko po agad nag babago siya puro hinala na po ako at duda eh feel na feel ko naman po na ako lang talaga kasi po iba talaga siya sobrang caring pero parang di pa rin po okay sa’kin. Lalo na po pagdating sa sex wala na po akong gana dati po halos araw-araw at kada may time sa isang araw minsan maraming beses ngayon kasi hindi na niya rin ako inaaya kasi pagod lagi galing work. Ako naman po nawawalan na ng gana kapag nag se-sex kami parang basta makaraos siya okay na ako. Fake moan gano’n na lang para masatisfied siya? Ano po kaya magandang gawin para maibalik ko ‘yung feelings ko sakanya? #advicepls #pleasehelp #respect