Mareng Tess here!
Hello tAp and hello world! Ako po ang nag-iisang Mareng Tess, ang Sizzling Tsismosa ng L.A (Lower Antipolo)! Alam n'yo ba kung ano'ng masarap na K kapag tag-ulan? Siyempre, kuwentuhan! ☕💅🏻 At ang juicylicious topic natin today ay:


mabait naman po talaga ako, sa future in laws ko. hahaha pero nung una talaga parang ang layo ng loob nila kasi may ex jowa ko na 8years sila. So, ginawa ko nung December niregaluhan ko lahat sila doon sa bahay. Mga kapatid ng jowa ko. So, tingin ko na-appreciate ni Tita na I care din sa buong family. Hehehe Pati Mother's Day binigyan ko rin siya ng special gift pati si Tito nung Father's Day. Sometimes talaga you have to make an effort din para matanggap ka nila at maging close kayo. Saka try niyo rin talagang magkipag-chickahan sa kanila. Pero mabait naman din talaga sa akin si Tita. Lagi niya akong binibigyan ng kung ano-ano. Sobrang na-appreciate ko. Tapos bumili siya ng damit na terno kami. hehe ❤️
Magbasa pa