Mareng Tess here!

Hello tAp and hello world! Ako po ang nag-iisang Mareng Tess, ang Sizzling Tsismosa ng L.A (Lower Antipolo)! Alam n'yo ba kung ano'ng masarap na K kapag tag-ulan? Siyempre, kuwentuhan! ☕💅🏻 At ang juicylicious topic natin today ay:

Mareng Tess here!
239 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako mabait nman tlaga nagpapakatotoo sa knila may respeto at maayos pkikisama ko dhil ganun din sila pero yung ate ni hubby? jusmiyo! patawarin sa kamalditahan nya at kplastikan. yung wala ka nmang gnagawang masama pero dami nya pa ding kuda at napakasama ng pkikitungo nya smen. ewan bat ganun sya :( lalo na ngayon na buntis ako, d ko alam kung dhil ba bitter sya kasi d sya mabuntis buntis at nauna kmi ni hubby. hays pinagdadasal ko pa nman sya lagi noon na sana magkababy sya ngayon ko lang kasi nalaman tlaga ugali nya na pinaplastik nya lang ako

Magbasa pa

Hindi kasi mabait naman inlaws ko kung ano pinapakita ko sakanila yun na yun tsaka prangka din mother inlaw ko at palasagot din ako kumokontra ako pag di ako sang ayon sa opinion nya lalo buntis ako ngayon haha yun lang pero overall ok naman kami pinagagalitan nya panga hubby ko pag nagsusumbong ako na nakaka bwiset anak nila bawal daw ako ma stress kasi preggy ako hindi naman nila to first apo pero ganon talaga sila, pag dating naman sa pera sya pa nag uutos sakin na alamin ko sahod ng asawa ko at kunin ko daw 😂

Magbasa pa

Mabait naman yung inlaw ko pero few months after ko syang makasama ng matagal dito sa bahay namin eh naiinis nako sa kanya. at first akala ko baka napaglilihian ko lang sya kasi buntis ako pero malapit nako manganak naiinis parin ako sa pagiging epal at pakialamera nya. I just want to live with peace and it's true na much better na kayong mag asawa lang magkasama sa bahay cos there can never be 2 queens in one house.. at syempre ako yun! besides bat ako magpapaka plastic di naman ako nakikitira. hahahahaha

Magbasa pa

hindi mabait tlga ako at tahimik pero once na nila ako bakitang magalit nung magawaybkami ng partner ko at medyo nagiba treatment nila sa akin well idc may kasalnan partner ko may kasalanan din ako. mahirap kasi magkimkim ng sama loob kaya wala na ako paki noon kung magalit sila kung inaaway ko anak nila. saka mahirap tlga kapag nakikitira ka sa in laws mo. dami mong papakisamahan imbes na ung asawa mo lang dagdag mo pa ung bunso nilang tumatandang paurong na kailangang pagpasensyahan😅

Magbasa pa
VIP Member

Di po ako nakikipagplastikan pero ito realtalk lang. RESPETO TALAGA ANG DAPAT MANGIBABAW when it comes to inlaws. Para kang nagnenegosyo, kailangan mo magcompromise lalo na ang pride mo. Kung may problema with inlaws dapat pinaguusapan, kung hindi sila makaintindi, ikaw ang umintindi. Kasi kung iisipin, pangalawang pamilya na natin sila, pangalawang magulang. Kung niresrespeto mo ang hubby mo dapat mas higit pa dun ang ibigay mo sa inlaws mo para peace peace and love love na lang. ❤️

Magbasa pa

minsan bait baitan minsan mabait talaga ako, ewan ko lang sa biyenan ko kung ramdam niyang totoong mabait ako sknya. kasi yung feeling na pinipilit mo siya tanggapin bilang pangalawang nanay mo. Kahit anong bait n ipakita mo may masasabi at msasabi pa rin sayo. Pero bakit nga ba ganun pare preho ugali ng mga biyenan? eh pinagdaanan din nman nila ang pagiging manugang? di ko alam kung nnadya ba or what and im pretty sure alam din nila na very sensitive ang mga bagong panganak.

Magbasa pa

Minsan Oo. Nag babait baitan ako kapag nasa kanila. Di naman kami madalas mag punta sa in laws ko tipong every day kapag want ko lang or kunin anak ko. Bait baitan in 2 years being married di pa ganun kapanatag loob ko at ramdam ko ganun din sila siguro na parang bait baitan kapag nandun kami ng anak ko. Then maybe may masasabi sila kapag wala na ko. Pero pag dating sa anak ko wala ko bad na masasabi or negative. Dahil kita at ramdam ko naman na labs nila anak ko HHHHA

Magbasa pa

di na ako ngpepretend kasi kahit anong gawin kong mabuti sa mga in laws ko... ang ending masama p rin ako... lumalabas wala akong naitutulong sa knla kahit naipaglalaba ko p cla, naipaglilinis cla ng bahay, tumatao sa negosyo nila, umaattend sa mga event sa school ng mga anak nila dati... ending wala dw akong nagawang mabuti.. nakakasama ng loob kc ginawa ko nmn lht... magkakampihan p cla ng byenan ko... kya di na kailangan magpakita ng kabaitan... inaabuso nmn...

Magbasa pa

sobrang bait ng byenan ko, caring pa. kahit medyo madaldal lang. yung tipong hindi mo na naiintindihan yung sinasabi nya at wala ng sense ba haha pero pinapakinggan ko pa rin. senior na kasi eh. kaya medyo maramdamin na mga yan pag di pinansin🤣🤣 magkasundo kami pero minsan nasosopla ko sya kasi yung mga nakasanayan nilang pagpapalaki sa mga bata ang itinuturo nya sa akin which is hindi naman masama sana pero kadalasan mga myths na lang😁

Magbasa pa
VIP Member

Hindi. Pinapakita ko talaga kung sino ako. Mabait ako at mabait din sila, although siyempre noong nariyan na si baby maraming kasabihan na sinasabi sa akin which is hindi ako ganoon naniniwala (nag-reresearch muna ako bago ko paniwalaaan ang sinasabi nila) na need ko gawin kay baby but sinasabi ko sa asawa ko na ganito ganyan, so siya na lang nagpapaabot sa in-laws ko. And kilala naman nila ako ng lubusan dahil matagal ko silang nakasama.

Magbasa pa