𝘗𝘢𝘤𝘪𝘧𝘪𝘦𝘳(𝘰𝘬𝘢𝘺 𝘰 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪!?)
𝘔𝘨𝘢 𝘮𝘰𝘮𝘮𝘪𝘦𝘴 𝘢𝘴𝘬 𝘬𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘰𝘬𝘢𝘺 𝘣𝘢 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨 𝘱𝘢𝘤𝘪𝘧𝘪𝘦𝘳 𝘴𝘪 𝘣𝘢𝘣𝘺. 2𝘔𝘰𝘯𝘵𝘩𝘴 𝘯𝘢 𝘴𝘺𝘢. 𝘋𝘪 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘱𝘶𝘳𝘦 𝘣𝘳𝘦𝘢𝘴𝘵𝘧𝘦𝘦𝘥 𝘥𝘢𝘭𝘢𝘴 𝘯𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘦 𝘩𝘶𝘮𝘪𝘯𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘥𝘦. 𝘛𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘭𝘢𝘵𝘦𝘭𝘺 𝘢𝘺𝘢𝘸 𝘯𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘥𝘪𝘯 𝘥𝘶𝘮𝘦𝘥𝘦 𝘴𝘢 𝘣𝘰𝘵𝘦😩 𝘌 𝘧𝘦𝘦𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘩𝘪𝘯𝘢 𝘺𝘶𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘵𝘢𝘴 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘯. 𝘞𝘩𝘢𝘵 𝘵𝘰 𝘥𝘰 𝘱𝘰. 𝘚𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘱𝘰 𝘢𝘨𝘢𝘥!
Mommy, hindi po talaga nire-recommend ng pedia ang pacifier kasi baka talagang gutom si baby tapos hindi niya nakukuha sapat na milk dahil naka-pacifier siya. kumbaga nakakatulugan na lang niya ang gutom niya dahil na-comfort na siya ng pacifier. normal po talaga na biglang lalakas sa dede si baby lalo kung may growth spurt. malalaman niyo po kung enough ang feeding niya sayo kung puno ang diaper ng wiwi or regular naman ang poop. at siyempre if gaining weight as per pedia. also ang pagpapadede po dapat at least 15 mins po na continuous sucking at hindi nakakatulugan ni baby. minsan kaya siya hingi ng hingi kasi nakatulugan na niya at wala talaga siyang nakukuha. malalaman kung good latch kapag sinubukan niyo pong tanggalin yung utong tapos mahirap tanggalin kasi nakahigop siya. kapag natatanggal agad, hindi po yun good latch. comfort sucking lang siya at hindi talaga nakakainom ng milk.
Magbasa pa