July 13-19: Naghahanap o nagbebenta ng items? POST HERE!

I-post sa WEEKLY thread na ito ang items na FOR SALE at mga items na you are LOOKING FOR! 🌷 Post the item na you want to sell or items na you are looking for sa comments section. Don’t forget na ilagay ang details like condition, description, price, etc. 🌷 No flooding. 🌷 No posts tungkol sa extra income or items na walang kinalaman sa pregnancy, baby or parenting. 🌷 No posts about services. 🌷 Inquiries can be made in this post by replying to the seller’s comment. 🌷 If item is sold, comment SOLD. 🌷 Don’t forget to follow this question para ma-bookmark siya. 📌 The Asian Parent Philippines will not be liable/responsible for transactions made between users in the app.

July 13-19: Naghahanap o nagbebenta ng items? POST HERE!
54 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

B VITAMINS Tumutulong ang Vitamin B sa pagpoproseso ng mga pagkaing kinain upang ito ay mapakinabangan ng katawan bilang enerhiya. Ang Vitamin B ay nahahati pa sa ilang uri ng bitamina na may mga ispesipikong papel na ginagampanan. 🔹VITAMIN B1 O THIAMIN Ang Vitamin B1 o Thiamin ay importante para sa maayos na paggana ng bawat cells sa katawan. ANO ANG EPEKTO SA KATAWAN KUNG KULANG ANG VITAMIN B1? Ang kakulangan sa Vitamin B1 ay maaaring magdulot ng panghihina ng katawan particular ang nervous system at sa sirkulasyon ng dugo. Kadalasang humahantong sa pagkakaroon ng sakit na beriberi at Wernicke-Korsakoff syndrome. Ito ay mga sakit na nakapagdudulot ng pagkapagod at panghihina ng puso at mga ugat na daluyan ng dugo, mga kalamnan, tiyan at bituka. 🔹VITAMIN B2 o RIBOFLAVIN Ang Vitamin B2 o riboflavin, ay isa sa walong Vitamin B na mahalaga sa metabolismo ng pagkain upang magamit ng katawan bilang enerhiya. Mahalaga ring ginagampanan ng bitaminang ito ang maraming papel sa maayos na paggana ng mga cells sa katawan. Mayroon ding mga Vitamin B2 na nakahanda bilang gamot o supplement na maaaring ireseta para sa kakulangan ng riboflavin sa katawan, pag-iwas sa cervical cancer at pananakit ng ulo dahil sa migraine. Ginagamit din ang supplement para mabawasan ang pagtatagihawat, pananakit ng kalamnan dahil sa pulikat, at pagpapabuti ng kondisyon ng mata na mayroong katarata at glaucoma. ANO ANG EPEKTO SA KATAWAN KUNG KULANG ANG VITAMIN B2? Ang kakulangan sa Vitamin B2 ay maaaring magdulot ng pagbibitak-bitak ng labi, pamamaga at pagkakaroon ng mga singaw sa bibig, pananakit ng lalamunan, at makadagdag ng posibilidad ng pagkakaroon ng iron deficiency anemia. 🔹VITAMIN B6 o PYRIDOXINE Ang Vitamin B6 o Pyridoxine (maaari ring pyridoxal o pyridoxamine) ay isa sa walong uri ng Vitamin B na tumutulong sa katawan sa maaayos na metabolismo ng red blood cells, nervous system, resistensya ng katawan, at marami pang iba. ANO ANG EPEKTO SA KATAWAN KUNG KULANG ANG VITAMIN B6? Ang kakulangan sa Vitamin B6 ay kadalasang humahantong sa pagkakaroon ng sakit sa balat (dermatitis), depresyon, pagkabalisa, pagkalito, at pagkokombulsyon. Maaari ring sakit na may kaugnayan sa dugo gaya ng anemia at sakit sa puso. VITAMIN B12 o COBALAMIN Ang Vitamin B12 o Cobalamin ay isa sa walong uri ng Vitamin B na may malaking papel sa metabolismo ng mga cell, at sa pagbuo at pagreregulisa ng DNA. Kilala ang Vitamin B12 bilang pinakamalaki at pinakakomplikadong uri ng bitamina na tinatanggap ng tao. Ito ay responsable sa maayos na paggana ng utak at iba pang bahagi ng central nervous system, at sa pagbuo ng dugo. Tumutulong din ito sa metabolismo ng mga taba (fats) at mga amino acid. Ang bitaminang ito rin ay maaaring mabuo sa pamamagitan ng mga proseso sa laboratryo. Ang Vitamin B12 ay maaari ding makuha sa mga supplement na karaniwang inirereseta para gamutin ang kakulangan sa Vitamin B12, kondisyon ng anemia, at maging sa pagpapabuti ng pag-iisip at memorya. ANO ANG EPEKTO SA KATAWAN KUNG KULANG ANG VITAMIN B12? Ang katamtamang kakulangan ng Vitamin B12 ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng anemia, madaling pagkapagod, depresyon at problema sa pagmememorya, habang ang sobrang kakulangan naman ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng pinsala sa utak. Source: kalusugan. ph Vitamin B1, B2, B6 and B12, are all present on FERN ACTIV... P800 per bottle of 60 capsules... PM me for order and inquiries...

Magbasa pa
Post reply image