BABY'S OUT🥰🥰

Warning: LONG POST🥰🥰 WELCOME TO THE OUTSIDE WORLD MY BABY HANNAH ALTHEA🥰🥰🥰 EDD:JUNE 22 DOB:JUNE 17(2 A.M)39 WEEKS AND 1 DAY WEIGHT:2.8 KILOS VIA:NORMAL DELIVERY FTM😇 Just wanna share my experience po. June 13 check up ko and na IE po ako sabi pabukas palang cervix so binigyan po ako ng primrose 9 pcs inumin ko every 8 hours at pinababalik ako kapag naubos na yung gamot. June 16, sakto ubos na yung gamot ko nun at 5 a.m nagising ako na basa yung shorts and underwear ko at mejo masakit puson ko, kaya naglinis ako agad at pumunta ng check up. Ni IE po ako at ayun 2 cm na siya so ayun nga naglagay na siya ng 2 primrose sa pwerta ko then pinabalik ako ng 12 noon. Pagbalik ko ng 12 noon ganun pa rin 2 cm parin at naglagay ulit ng 2 primrose. Tapos bandang 4 p.m sumasakit na yung puson ko at balakang bumalik ako sa lying in at ni IE ako ayun naging 4 cm na, naglagay siya ulit ng 2 primrose. Tapos naglakad lakad ako squat at uminom ng pineapple juice. Habang nasa bahay sumasakit sakit parin yung puson ko at may discharge na akong white jelly na may brownish na parang dugo. Bandang 10 p.m lumala na yung sakit at parang matatae na ako ,di ko na kaya yung sakit kaya nagpadala na ako sa lying in. Pagkadating ko sa lying in inasikaso ako agad, ni IE ako pero 4 cm parin kaya naglagay siya ulit ng 2 primrose. Nag aactive labor na daw ako, sobrang sakit na at diko na alam kung nasaang banda na yung masakit sa katawan ko, ni hindi na ako makatawa. Sabi ng midwife ko, baka umaga pa ako manganganak kasi 4 cm palang at kelangan mag fully 10 cm para makalabas na si baby. Umiiyak na ako sa sobrang sakit, pinahiga ako sa bed pinaside na higa andun na masakit parin siya sobrang sakit. Umiyak na ako habang yakap yakap ni hubby. Sinasabi niya palage na kaya mo yan, at inuulit ko rin kaya ko to para kay baby. Sabay dasal ako palage. Pero hindi ko na talaga kaya yung sakit niya at diko na kakayanin pang antayin na mag fully 10 cm kaya sabi ko na ipainless nalang ako at magpahawak ako sa OB. Maya maya pa tumawag na sila sa OB at pinasaksakan na ako ng gamot, swinero na rin ako, bandang 11 p.m na po ata yun.😣Hindi ko talaga kayang tiisin yung sakit, hinang hina na rin katawan ko at nangangatog na tuhod ko. Bawat gamot na isaksak sa akin tinatanong ko kung para saan at kung mabilis ba umepekto. Kalmado lang ako kahit sobrang sakit na. Mayat maya pa dumating na yung OB ko, inasikaso ako agad. Ni IE ako at 70-80% na yung nipis ng kwelyo ng cervix ko. Lage kong sinasabi na natatae ako Doc, sabi niya sige tae ka lang. Iere mo lang once na maramdaman mong natatae ka. So ganun nga ang ginawa ko. Umiire ako kapag nakakaramdam na parang natatae at sumasakit puson ko. Sa sobrang sakit parin ramdam ko na hindi na maganda yung paghinga ko,nanghihina narin katawan ko kaya nagsabi ako sa doctora ko. Kaya nilagyan ako ng oxygen, hindi ako nakontento pinalakasan ko pa kasi hirap na talaga akong huminga at natatakot ako na mawalan ng malay kasi delikado si baby. Nung nag fully cm na ako, pinaire na ako, kaso palya ang ire ko hindi ako marunong. Kelangan daw mahabang ire kaso diko magawa kasi nandidilim na paningin ko, nakaoxygen na ako nun pero kapos parin ako sa paghinga. Ni BP ako at nag 150/160 na yung BP ko, hindi naman ako ninerbyos cguro dala ng sobrang sakit kaya tumaas BP ko. Nagsaksak sila sakin gamot pampababa ng dugo. Mayat mayat ok na siya. Nagagawa ko na umire ng maayos, kaso ayaw lumabas ni baby kasi nakatihaya pala siya kaya kahit anong ire ko mahirap siyang lumabas. Pinagpahinga muna ako, at nung natatae ako umire ako ulit at nakit na yung ulo niya kaso pumalya yung ire ko hindi dumiretso. Naipit na yung head ni baby sa cervix ko, sabi tulungan mo si baby, kaya mo yan. Maliit siya kayang kaya mo yan sabi sakin. Hinang hina na yung katawan ko nun at gusto ko ng pumikit, kaso naalala ko si baby di ako pwedeng sumuko ang tagal ng inantay ko tapos susuko ako. Mayat maya sabi ni doc masi CS ka kapag dimo nailabas si baby kaya mo yan sabi niya pinapalakas niya loob ko.Maging yung dalawang midwife pinapalakas din loob ko. Maiiyak na ako kasi naawa ako sa baby ko. Tapos narinig ko yung 4ceps babakalin na raw yung ulo ni baby kapag di pa mailabas o di i vacuum daw. Basta may mga narinig ako na ibang way para mailabas si baby. Nung narinig ko yung biglang tumulo luha ko sabi ko sa isip ko HINDI PWEDE ANG LIIT NG BABY KO PARA MARANASAN YAN,KAYA KO TO.Parang nagkaroon ako ng lakas at biglang parang nagising at nung feeling ko natatae ako inere ko ng malakas at mahaba at ayun andun na yung ulo ni baby huminga muna ako ng malalim at pinaire ako ulit at nailabas ko si baby. Pagkalabas niya wala ako narinig na iyak kaya kinabahan ako, nilagay siya sa may tiyan ko at nung pinutol na ung umbilical cord niya umiyak na siya. Maputla siya at mejo may green sa balat niya ayun pala nakatae na siya sa loob ko. Nasa baby ko lang yung attention ko nun habang nililinis siya kasi yung head niya mejo naging pahaba gawa ng pagkaipit niya sa cervix ko at need daw ipacheck up si baby baka daw nakakain ng dumi. Sobrang worried ako at diko maiwasan na hindi sisihin sarili ko kasi palyado ako umire. Tapos mayat maya biglang bagsak na ng BP ko naging 80/50 na kasi ang daming bumulwak na dugo nung nililinis na ako. Nilagayan ako ng gamot na pampataas ng dugo. Tapos mayat maya lumambot na yung matress ko sa dami ng dugo na lumalabas, mayat maya BP sila sa akin at panay tanong kung nahihilo ba ako. Good thing is hindi naman ako nahihilo. Sinaksakan ako ng gamot pampatigas ng matress kasi pwede akong operahan at alisan ng matress kapag hindi siya naging ok. Sa awa ng diyos naging ok naman ang matress ko. Hanggang sa natapos na yung paglilinis sa akin. Diko na mabilang kung ilang karayom ba yung tinusok sa balikat ko. Dalawang kamay ko nakaswero din.😣😣😣Tapos nakatingin lang ako sa mukha ni baby habang nililinis ako nun at napangiti ako its all worth the pain.🥰🥰😇Sobrang thankful ako sa OB ko kasi hindi niya ako sinukuan nagtiyaga siya sa akin hanggang mailabas ko si baby. Sobrang bait niya at pati narin yung damawang midwife🥰🥰Hindi nila kami pinabayaan ni baby at pinapalakas nila lage yung loob ko habang nsa kalagitnaan ng laban. Yung head ni baby mejo pahaba pero sabi ni Doc babalik naman siya sa dati. Biniro pa ako na kapag nanganak daw ako ulit libre na niya😁 Sobrang thankful ako sa kanilang tatlo At syempre sobrang thankful ako kay God dahil hindi niya kami pinabayaan ni baby.😇😇😇Kaya sa mga mamshies jan na mangangak na, kayanin lang at kahit anong sakit wag susuko para kay baby. Worth it lahat kapag nakita mo na siya 😇😇😇At kapag alam mong hinang hina kna magpray ka ng magpray wag basta basta bibitaw, isipin mo ang tagal ng inantay mo tapos susuko ka bigla. Mga mashies kaya niyo rin po yan.Fighting lang lang😇😇😇 sa mga mangangak po have a safe delivery. Stay strong kapit lang.😇😇😇God is good all the time.😇😇 Sa mga users po pala na laging nag ientertain sa mga questions ko po maraming maraming salamat po. Naappreciate ko po lahat ng tips and advices na binigay niyo po. Sa mga nag aabang kay baby, mga mamshies eto na po si baby😇😇😇. God bless po.😇😇😇

96 Replies

Ramdam ko po yung story nyo ni baby grabe habang nagbabasa ako feeling ko ako yung nahihirapan pero congrats po mommy nakakaproud po yung ginawa nyo. Sana maging ganyan din ako katapang katulad mo. 😇 32weeks and 3days na po akong preggy. Congrats po ulit mommyyyyy.❤️

Salamat po mommy.🥰🥰🥰Kaya mo yan mommy. Fighting lang po at tsaka lage ka pray.😇Kausapin mo rin po palage si baby..😇😇Have a safe delivery momsh.🥰

Congrats mommy Sa totoo lang kinabahan ako sa post mo lalo nat ftm ako. Sana makayanan ko din katulad mo. Medyo matagal pa naman pero ipagdadasal ko na agad na sana makayanan ko din at mailabas ng maayos si baby. God bless sa inyo ni baby. ♥️♥️

Salamat po momsh🥰🥰🥰Wag kang kabahan mommy. Kaya mo po yan. Para kay baby need nating kayanin lahat🥰🥰🥰Always pray lang po at always think positive😇😇Tsaka always niyo po kausapin si baby makikinig po siya😇😇🥰🥰

Nakaka inspire at nakaka motivate naman sis, gusto ko ito mabasa pag nagle labor na ako pamapalakas ng loob. Salamat sis 36weeks na ako at 1cm na din anytime daw pwede na umanak. Pray for me sis.💓💓💓💓

Good luck sa inyo mga sis.🥰🥰Fighting lang po at lage kausapin si baby🥰🥰🥰Pray din po lage. Kaya niyo po yan mga momsh🥰🥰🥰Have a safe delivery po. God bless😇😇😇

Yung tipong nageenjoy ka habang nagbabasa. Sa lahat ng katulad kong ftm mga mamshie's sana makaraos na din tayo normal and safety delivery and si baby normal and healthy din. Pray lang tayo palage. ❤️

Fighting lang po mga momsh and have a safe delivery😇😇🥰

Naiiyak nmn ako sa kwento mo sa pag ire.hehe si baby mo dn ang naiisip ko e😅 ang gling mo.. Di mo sinukuan si baby😊 worth it ang hirap kpg nkita mo na sya..congrats mommy😊

Kaya nga po mommy. Trying hard ako sa pag ire maperfect ko lang at mailabas ng maayos si baby🥰😇Worth it po lahat😇🥰🥰🥰

wla tlagang imposible bxta ky Lord🙏😇 mnalangin lng tlaga. congratulations poh😊 aqo august last week due qo..xna normal delivery lng at wla mging problema😇😇

Opo God is good po basta lage lang po magpray. Makakaraos ka din momsh at think positive lang po lage. Have a safe delivery momsh😇

Buti kapa nanganak na..ako EDD ko june 15,2020 sa unang ultrasound, taz naging june 22,2020 sa mga sumunod n ultrasound..sana manganak na ako..

Lalabas din si baby kapag reqdy na siya mamsh.😇😇Pray lang po😇😇😇

Congrats po momsh. 37 weeks and 2 days .. FTM Xcited na kinakabahan .. Nasana kaya nmen ni baby to .. Waiting nlng ako sa pglabas nya ..

Salamat momsh😇😇🥰Oo yan momsh kaya niyo yan ni baby.. Kausapin mo lang po palage si baby mo makikinig pp yan at lage ka po magpray😇😇😇Fighting lang po mommy🥰

Congrats Mami ☺️ naiyak ako sa kwento mo 38weeks&1day nako anytime pwede na lumabas baby ko . Salamat sa advice ☺️

Salamat po mommy🥰🥰🥰Lakasan mo lang loob mo mommy at magpakatatag ka para kay baby🥰🥰😇Kaya mo yan mommy pray lang po😇🥰🥰

Congrats mommy. Naluluha ako while reading. 34 weeks na kmi ni bby sana makaraos den kami like nyo ni bby godbless 😍

Salamat mommy😇🥰Oo yan mommy makakaraos kayo ni baby. Tibayan mo lang loob mo at lakasan mo loob mo mommy🥰😇Kaya niyo yan ni baby at samahan mo ng prayers😇😇🥰

Trending na Tanong