Anonymous Confessions: Kababawan
May mga away ba kayo ng asawa/partner mo na sobrang babaw lang ang pinagsimulan? ?
Madalas nya akong asarin kaya lagi akong galit sknya hahaha. Pikon ako pgdating sknya ewan ko ba hahaha baka nga napaglilihian ko 😂
dahil sa kape. di sya umaalis kasi di ko daw tinimplahan eh akala ko nag kape na kasi aga gumising ako tanghali na. 🤣🤣🤣🤣
oo at madami. 🙈 simpleng ligpit ng mesa o pag-shoot ng maruming damit nya sa marumihan. okya yung sobrang pangingiliti nya saken.
Hindi ko alam kung nasaan ang sibuyas. Ayon, nagwala ang gago. Malay ko ba eh hindi naman ako ang nagtabi ng groceries. Siya naman.
Dahil sa milo. Di ko sya natimplahan sa sobrang busy, ayun nagalit. Pero syempre di ako nagpatalo, mas nagalit ako.😂
Pag hndi nya sinusunod utos ko, puro mamaya😅 pero minsan lang nman ung ganun. madalas okay kmi pag hndi ako tinotopak🤣
dahil sa ML nya ml ng ml eh gusto ko ng atensyon nya kaya minsan naaaway ko sya tapos diko sya papansinin haha
Nung magluto siya ng di ko gusto ang lasa. Haha. So far ako lang nang aaway. Panira siya ayaw niya akong patulan.😁
nakatulog siya habang nanunuod kami ng movie.. nagulat na lang siya paggising niya hindi niya nako makausap 😂😂
netong naglilihi ako, gusto kong chooks to go na liempo. binili ba naman andoks 🤣 galit na galit ako, eh.
Momsy of our little angel.