Baho ng paa

Ask ko lang po pano mawala amoy ng paa? Bf ko kasi may pamatay na paa e ??? naghahanap kami ng any remedy sana may ma sggest po kyo thank youuu

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Try niyo magpalit ng medyas, i don't know if this will work sa bf mo. Pero sa hubby ko may certain type of medyas siya na sinusoot dati na manipis madalas pinapawisan yung paa niya dun kaya namamaho. Pero binilhan ko siya ng medyas na makapal and so far nawala yung amoy. 😅 kasi we tried everything narin dati. Sa pagpalit lang ng medyas talaga nawala yung amoy.

Magbasa pa
4y ago

Or charcoal ocks mas okay yun . Minsan nasa socks din po e.

Palit na siguro ng shoes and slippers baka kasi dun nanggagaling yung bacteria? Also sabayan na ng pag gamot sa paa nya.. like sabi ng iba.. babad sa warm water na may salt or baking soda.. wash nya feet nya ng germicidal soap. I ddry ng mabuti at mag lagay ng milcu sa paa bago mag shoes.. mga ganon ba..

Magbasa pa

Try niyo po ibabad sa maligamgam na tubig na may asin... Tapos lagi niyo po lilinisin yung sapatos or tsinelas niya kasi minsan don nagsisimula ang amoy ng paa... Minsan nasa sinusuot na sapatos tapos hindi naman nalilinis kaya pati yung paa bumabaho na rin...

Milcu lang po gamit ng kapatid ko,,,pamatay sa kabahuan tlga pag mag susuot na ng sapatos lagyan muna ng milcu ang medjas at lagyan dn yong sapatos,, effective kahit wala ng babad babad. 😉

Ibabad mo sa maligamgam na tubig na may alcohol at asin. Effective sa bf ko. Tsaka pag nagsasapatos sya lagyan ng tawas or foot powder. Tapos yung sapatos nya paarawan at labahan

VIP Member

Mg lagay ng milcu bago mg suot ng mejas, or mg lagay s sapatos Gumamit ng mejas na may charcoal Ibabad ang paa sa water with baking soda Iscrub na din dead cells s paa

Magbasa pa

Foot deodorizer.. Meron sa biofresh o kaya milcu powder.. Lagi magpalit ng medyas.. Ung medyas biofresh.. Tas palagi malinis dapat ang sapatos

Try everday soak to warm water with salt. Effective. Pag wala padin isako niyo napo. Ahha char. Tawas. Ibabad sa tawas na may warm water.

Sa gabi bago matulog yung mainit na tubig with tawas tas pag mag sasaptos lagyan mo ng fissan or milcu foot powder

Ibabad yung paa sa maligamgam na tubig na may baking soda. Simula nung ginawa ko un, hindi na bumaho paa ko.