pregnant @ 20 weeks and 3 days experience

Sklga momsh, and if anyone nanakaexperience or merong ganitong situation. Last night we were rushed to the hospital (emergency room) due to lower abdomen pain or bandang puson. Yung feeling na parang may malalag, or parang kang may dysmenorrhea. Habang nasa loob ako ng Labor Room, naexamine ako and everything went okay naman. Urine test is normal na kung saan first suspect ko ay baka mayroon akong uti. Then pinainom ako ng gamot pamparelax ng uterus. Pero sabi ng ob, okay naman ang lahat. Walang contraction. Amd maybe natagtag sa biyahe. So i was advised to take 1 week bed rest . Umuwi na kame. Pero nung nasa bahay na kame, lalo sumasakit ang part na un ng puson/abdomen, then may sudden pain sa pempem ko at para talagang magkakadysmenorrhea ang feeling. So 12mn balik kame sa hospital, nagcomplain nga ako ng patuloy na pananakit ng part na yun. Pinainom nila ako uli ng nireseta nilang gamot at binigyan nila ako ng pain reliever. Naka inject un so feel agad ang effect. And sabi nila baka kaya sumasakit from puson to balakang baka daw ung mga ligaments ko is nag istretch na. Hindi din naman kasi masyadong mataba although talagang nagigain ako ng weight every month. Kaya medyo nakalma ako. Inadvice din ako na mag pa pelvic ultrasound kaninang hapon Kung saan nakita ko nga ng meron 2 myoma, one right side and the other one bandang sa pusod. So feeling ko ito ang nagkocause ng pananakit now. At iinisip ko na baka nasisipa ni baby ung mga myoma kaya sumasakit. Btw i'm 5months preggy (20weeks and 3 days), and a first time mom, so ung kaba ko and worry ko for my baby is another reason kung bakit din siguro hindi kumakalma ang pain. I know, na baka naalarm kayo sa shinare ko. But the baby is okay, high-lying placenta naman po ako. And it's a girl. Doble ingat na lang talaga at bawal na masyadong maggagalaw. Buti na lang at napakasupportive ng husband ko. Hndi na niya naisip ang gastos ang importante is ung safety namin ni baby.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

God bless sainyo ni baby.. πŸ˜‡ I'll include you in my prayers..

6y ago

Thank you momsh. 😊