Kwentong Jollibee π
SKL 33 weeks pregnant. Ngayon ko lang to naexperience .. di ko alam kung normal ba to ?? nung nahimasmasan ako naartehan ako sa sarili ko.. π Sabi ko knina sa asawa ko .. labas tayo nagugutom ako . Then randomly nababanggit ko na parang nagugutom ako.. tapos sya parang dedma lang ..( nagdinner naman kami and nagpapahinga na sya)hanggang sa sabi nya sleep na daw sya.. doon na ko umiyak as in sobrang iyak π tapos nataranta sya kung bakit .. tanong sya ng tanong habang nakahiga at nakatalukbong ako .. hanggang sa narinig ko nalang na umalis sya .. then pagbalik nya may dala na syang sphag and fries. Ang ending di ko rin naubos .. sa kanya ko din pinakain kasi naumay ako π Hindi ako naglihi and maselan . Pero feeling ko tuloy ngayon ako naglilihi kung kailan malapit na ang EDD ko π