Mareng Tess: Friday night is, chika time!

Sizmars, ano ang iyong first WORST heartbreak? I-chika mo naman 'yan!

Mareng Tess: Friday night is, chika time!
20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

This is not so WORST. My first and last heartbreak nung bago pa lang kame magkarelasyon ng asawa ko na ngayon. Kakahiwalay lang nila ng ex nya nung magkakilala kame January 2020, then nagkakilala kame 1st week of feb 2020 1 week friends after that nagpaalam na manliligaw, 2 weeks pa lang sya nanliligaw sinagot ko na di ko alam pero I have my guts na sya na kasi may nanligaw naman saken bago sya pero ni-reject ko kasi di ko feel na sya na ang para saken. Imagine na naging magjowa kame then pandemic came, so di kame nagkikita which is yung pagkikita namen ang diversion para makalimutan nya ex nya, mukha akong ginawang rebound diba? not his fault, kasi alam ko naman yung situation nya na di pa sya nakakamove on, sya kasi yung MAS nagmahal sa kanilang dalawa. So March 16 last nameng pagkikita, March 26 yung 1st month sana namen together, 10 days simula ng nagstart ang pandemic syempre thru chat and calls lang kame, at iba na yung feeling ko. Instinct na talaga siguro ng mga baba na may ibang nararamdaman kapag alam nilang may mali. April 5th sobrang cold nya at alam ko may mali, kinonfront ko sya pero ayaw nya sabihin saken kasi alam nya sobrang bait ko na kung anuman yung sabihin nya papayag ako. Eh ako kasi stalker so inistalk ko ex nya and I found out na tama yung hinala ko at naramdaman ko, nag uusap sila ng ex nya and what's hurt me the MOST? Yung nagtweet ex nya ng convo nila na sabi dun ng partner ko "Nahihiya ako kay mama. Ikaw yung gusto ni mama." Sobrang sakit for me kasi hello? binibigyan mo ng hint yung ex mo na nanakit sayo ng paulit ulit na sana sya na lang ulit. After ko makita yun kinonfront ko na ulit sya tsaka sya umamin, pero he was saying na that day april 5 yun lang talaga yung may convo sila pero di ako naniwala. Humingi sya ng 1 week saken, para alamin nya sa sarili nya kung dapat pa ba nyang ituloy o hindi na yung relationship namen then I gave him that pero inisip ko wala na kame para handa ako. Nawala yung tiwala ko sa kanya, sobra sobra yung tiwala na binigay ko. Sa 1 week na hiningi nya gumawa ako ng letters Day by day sinend ko sa kanya yun lang time ko na nagamit ako ng phone, I no longer using much of social media that time. Day 5 (April 10) he called, video call. He wants to see me. Sinabi nya na namimiss nya ako sobrang laki ng ngiti nya, and I was like "Talaga ba? Sinong niloloko mo?" then he ended the call and nagchat sya na "Sige na, ayaw mo na ata akong kausap" I am not the person na hahabulin ang isang tao e, kasi ang katwiran ko ano na lang ba ako kung ikaw na mismo sa sarili mo ang nagsasabi na di ka pa din nakakamove on sa minahal mo ng sobra. April 10 pa din around 6pm nagchat ulit sya saying "Ako yung mananalangin ngayon, kinakabahan ako." I replied, "Sows, bakit ka naman kakabahan mananalangin lang e kaya mo yan" then he replied "I love you" sabi ko sa isip ko di ako tanga at marupok but I ended saying I love you once then sabi nya "Isa pa" sabi ko "bakit?" sabi nya "Basta" I said I love you once again tapos humirit pa ulit dalawa pa daw at isa pa. Sabi ko "Arte mo bakit ang dami?" he replied "Kasi 5 days walang I love you mo. Di ka man lang nakaisip na ipaglaban yung pagmamahal mo lagay na hahayaan mo lang ako bumalik sa kanya" and I replied "Eh kung sya ang mahal mo may magagawa ba ako? Di naman ako ganung kasama para itali ka lang sa situation naten" Then nagdrama na saken na kesyo "Walang nagchicheer up saken kapag natatalo ako sa ML" napareply tuloy ako ng "Lintek ka, naghahanap ka lang pala ng taga cheer mo" sagot nya "Syempre ng taga I love you din" The end. Di ko na itutuloy masyadong mahaba, tsaka di na to heartbreak Hahahahaa

Magbasa pa

Pinakaworst Heart break ko siguro ung 2019, yung pinaramdam sakin ng prtner ko ang magoverthink ng malala, nagawa niyang magsinungaling sakin at di magpaalam kung san sya pupunta, di nagchchat at di na rin nakikwentuhan ng mga bagay bagay, lagi syang na sa barkda nakikipaginuman, may mga post na di ko nakikita sa wall ko kundi sila sila lang although friend ko naman sila sa socmed iisa lang kasi circle of friends pero mas close sila sa prtner ko nalalaman ko lng kapag hinirsm ko cp nya at kahit mag 12 mid na dadayuhin niya pa ang mga un and ang worst is ung isa sa tropa niya na girl na akala ko tropa ko din ang laging nagaaya sa knya pero kapag ako ang nagaaya na magpunta sa bahay dami niyng rason, Sobra abg selos ko sa girl na un, pero sinet aside ko feelings ko nun kasi baka naghahanap ng makakausap partner ko sa mga tropa niya kasi namatay ang tatay nya that yr. kaya ako inintindi ko baka kasi ako di ko magawa un sa kanya, pero lumala e, nakakabasa pa ko ng mga chat galing kay girl na parang harot na chat like gsto mo bigay ko sau oras ko? at may burado pa na chat and nung lamay nun sinabi niya nun sa harap ng mga tropa na dalawa kaming GIRLFRIEND niya na di chinat nung pasko? tama ba un? kwento sakin nung partner ko na inaasar pala silang dalawa ng iba niyang tropa na pano kung naging sila,jowain mo na sa inuman ng mga panahon na yan, pero ang sinagot nya skin di nya kaya un kasi naging ex un ng bestfriend niya At ang pangit daw tingnan pero idk sa ikli ng panahon na un baka ngkaroon ng something between sa kanila, nalaman din naman ng girl ung side ko galing mismo sa bibig ng tropa nya di na ganun na paguspan kaya kapag nakikita ko ung girl kapag may bdays or party ang awkward, siguro matatawag na kaplastikan pero sakin may respeto kahit di niya nabigay un sakin nung mga time na yan sa ngayon di na sila ganun ka close may pamilya na din ung girl e, after niyan naging maayos naman na kami ng partner ko gang sa ngayon yun lang ForgivebutneverFORGETπŸ’” sorry if maguloπŸ™‚

Magbasa pa

I was engaged and scheduled to marry my ex year 2008. Akala ko okay nman lahat, though nsa Manila ako & nsa province xa. We had good communication naman, then 3 months before our wedding, ngtxt n lang xa sken bgla, nkkpagbreak na xa sken! I asked him why, andami nya reasons. Kesyo hindi nya dw ako mkuha sa family ko, dapat dw pg umuuwi ako s province s kanya n ako uuwi(xmpre uuwi ako sa parents ko db?) Take note, okay nman kami kht LDR kmi and every month umuuwi ako pra mksama xa (no effort from him, ni hindi nya ako ngawang puntahan dto, kesyo bka dw mwala xa!). I even told him i'm goibg to resign from work na pra mkauwi na ako s kanya kung yan ang gusto nya. Then that'ts it, he broke up with me thru text! Halos maloka ako for 2 weeks, I even think of doing bad things to myself, as if I was the one to blame. Worst pa, his stepdad txted me, blaming me of the break up. So, aftr so many tears and being always in the dark, I told myself tama na, hindi ko dapat pnapahirapan sarili ko. I have my support system, my family, my friends, everyone who loves me. After a few months, my ex texted me, asking if we can be friends. I said No, we can't be friends since I don't trust him. Mejo makapal lang ang mukha pero he told me the real reason of the break up (though i don't care about it anymore). Well sabi nya money matters dw. Then sabi ko s knya, mraming paraan kung gusto nya talaga, but since mrami dn xang dnahilan, cguro nga we were really not meant to be together. He even called and texted so many times but hindi ko na xa cnagot pa, hnggang s tumigil n lng xa. Anyway, I am now happy with my hubby and son so ayun! Share ko lang.. 😊

Magbasa pa

juskoo sobrang sakit nito sakin. Nabuntis ako ng Bf ko, 1st baby namin yun. Well di naman namin plinano at the same time alam namin na safe ako nun. So ayun na nga! dumaan ang 1month na wala akong regla okay kami. As in sobrang inlove kami sa Isa't isa kahit 3years na kami nun. Pero nung dumating yung araw na suka ako ng suka hanap ng pagkain kung saan saan. Then kinabukasan may bumati sakin sabi nya 'Ilang buwan na baby tummy mo?' tapos ako 😳 po? then sa di na nga ako mapakali nagpa checkup na ako. Dun na nga lumabas na 3months na akong nag bubuntis. Masaya ako πŸ₯° pero biglang gumuho mundo ko sa paguwi ko. Sabi nya "Palaglag mo yung bata, di ako ready. Magagalit sakin sila papa" Aaaaaaaaay daaaaiii! Buong loob ko pinag tangol anak ko. sabi ko sa kanya "MAS GUGUSTUHIN KONG IKAW ANG MAMATAY KAYSA SA ANAK KO!" Tapos walkout ako mga momsh 😭 masakit pero di ko tangap na ganon sasabihin nya. Di ko kaya mawala baby ko..... fast forward naging okay naman na kami hahaha. Naglabas lang ako ng hinanakit na hangang ngayon di padin ako pinapalaya πŸ₯ΊπŸ₯²

Magbasa pa
2y ago

I feel you mammsh, malilimutan mo yun exact word na sinabi nya pero yun feeling mo that time HINDI! Ang buhay ay buhay. Tama na pinili mo ang baby mo. ❀️ Cheers to a strong women like you, you stand against that! 😍πŸ’ͺ

Naranasan nyo nabang makaramdam na kung kelan feeling nyo wala nang love sainyo nang partner nyo dun pa biglang dadating ang blessing (anak nyo). Yan ang kwento namin today nang asawa ko, akala ko magdedeep pa lalo ang love namin kase magkakababy na kami. Akala ko masaya sya kase pangarap namin yun dalawa e. Pero parang walalang sa kanya kami ni baby.πŸ₯² I'm 8 months preggy and duedate ko this April 06 , baby boy ang baby namin na gustong gusto nya na maging boy ang baby namin. Diko manlang maranasan sa kanya na, alagaan nya ko lalo na ngayong preggy ako, masamahan mag pa prenatal check up, mag lakad lakad, mag grocery nang para kay baby diko alam di ko sya sinisiraan pero nagsasabi lang ako nang totoo. Hoping parin ako na sana pag lumabas na ang baby namin magbago sya.πŸ₯² To all mommies out there, keep safe and pakatatag tayo para sa baby naten alam ko/mo na may plano si god kung bat nangyayari to saten just trust him 😚 sya lang nakakaintindi satenπŸ€—

Magbasa pa
2y ago

i care mommy, kaya mo yan para kay baby.. naku pag andyan na si baby im sure naman aalagaan yan ni hubby mo lalo kung kamukha nya

Well, in my worst heartbreak is when I broke my LDR relationship and having affair with my high school teacher but with in a year of relationship I found out he's a gay. At first, second mos I wont accept that he is because I choose him over my 5 years LDR bf because I thought he is serious imagine we had plans for wedding last dec. 2021, but things gone wrong after I came back to our province weeh... d mn lng ako binisita sa bhay or mgpakita sakin or even mgparamdam eh alam nmn nya nka uwi n ako. Fast forward, hiniwalayan ko then my classmate in high school started courting me and dated few most after break-up and got married so early 7 mos being together still my dream to get married at dec. was happened. Today, were happy together with me in 6 mos preggy of bb girl. Right, God will give you a right man in a right time. Keep in praying, everything has its timing. Keep safe, everyone 🀰❀.

Magbasa pa
VIP Member

first worst heartbreak: that was 3 years ago with my 5-year relationship, sa sobrang pagmamahal ko nun nakalimutan ko na ung sarili ko, nagkaron ako ng depression that time, nung nagbreak kami marami nanligaw saken pero di ko pa din sya makalumutan hanggang sa eto nanligaw saken ung asawa ko na ngayon 1 year sya nagtyaga ligawan ako kasi alam nya dpa ko moved on sa ex ko, 4x ko sya binasted kasi traumatized tlga ako sa mga lalake..pero di sya sumuko, kaya eto ngayon may junakis na kami sobra nya ko alagaan kasi pinaghirapan nya eh πŸ₯°πŸ˜…

Magbasa pa

May crush ako nun sa guy friend ko. He doesn't feel the same way daw. Pero pag kaming dalawa na lang, he would act as if boyfriend ko siya. Siyempre, kilig kilig naman ako. Pero pag kasama na namin mga friends namin, iba pinapakita nya. Matagal din akong naging tanga kasi hinayaan ko. Haha. It took a long time bago ako totally naka move on sa kanya. I learned to love myself more. Focus sa career and family, friends. At 30, nakilala ko ang 1st official boyfriend ko turned husband na din. :)

Magbasa pa

dami nkong sakit na naranasan eh.. pero cge isa to. yung kilala ka ng buong family niya, nagppunta ka sakanila, nttulog ka pag my okasyon like new year, pasko, o bday ng mga kamag anakan present ka, mdalas kmi mag travel out of town, laging nagkkita, sinusundo niya ko sa ofiz, ako nsundo ko n dn sya sa work niya.. pero nung my kalandian siya na kawork niya, sabi niya dun sa girl, eh bestfriend lang daw niya ko. hahhahahhaha hello nagtitirahan kame tpos bestfriend?

Magbasa pa

Cheating boyfriend! 'Yung girl pla nagstalk na sa FB ko.. Then nagulat xa kasi sa amin nagchristmas yung "Boyfriend" namin.. πŸ˜‚ Nagchat yung girl nya sa akin at nagpaubaya na ko. Almost 7 years din kami ni guy since college days.. Pero nakaya ko naman.. Nagpakabusy na lang ako sa career ko.. πŸ‘ I dated a guy after a month... Then Husband ko na xa ngayon... Kaya nyo din yan! πŸ€«πŸ™

Magbasa pa