Mareng Tess: Sismars, ready ka na for tonight's chika?

Sinabi mo ba agad sa asawa/family mo na buntis ka o tinago mo muna? I-chika mo naman 'yan! πŸ’…πŸ»

Mareng Tess: Sismars, ready ka na for tonight's chika?
130 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

tinago ko. actually irregular mens ko kaya no worries sakin pag-wala parin Ako mens. nagpt Ako Yung binili ko sa shopee kaso diako satisfied dun Kasi mukhang peke. saka di din Ako naniniwala nun Kasi iniisip ko nga na delayed lang Ako. but Nung nagpabooster Ako Nung Feb 2. tinanung Ako Nung nag-aasist dun na kung may partner ba daw ganun. Sabi ko is Meron. bago nga pala mag pabooster Nung Feb 1 kinakabahan Ako Kasi baka nga bago Ako turukan ng booster is baka tanungin Ako about kung may bf or buntis ganun Kasi napanuod ko din sa yt Yun na before you turukan .may assessment Muna. then Yun nga totoo nga Ang naisip ko. sobra Yung kaba ko nun . kasi pinaPt Muna Ako bago Ako turukan Kasi nga daw may babae din daw nun PinaPt then ayun buntis daw . btw kasama ko pala mama ng bf ko , bf ko and papa Niya na kagawad nun Kasi sabay sabay kami magpapabooster nun then ayun pinaPt Muna Ako ,bumili kami ng bf ko nun sa generic . dapat dun kami sa pagbobosteran ko magppt kaso nahihiya Ako Kasi pano kung positive by the way again I'm 21 years old na 3rd year college nag aaral Pako now na year lang story na to bago bago pa kaya sariwa pa . so ayun nga umuwi kami sa bahay nila mabilis lang kami nakauwi Kasi may motor bf ko. then ayun nanginginig Ako sa takot habang tinatry Yung pt then boom. positive . iyak Ako ng iyak sinisi ko Yung bf ko pano banaman Kasi traydor diko alam pag nag aanohan kami pinaputok Niya Kasi pag nag aano kami naantok Ako Wala Ako Lage sa mood then Yun na nga nagbunga. saka dikami bago bagong magbf/gf .5years nakami then classmate ko Siya Nung g10 na sinasabe dati na ginayuma daw Ako Kasi pumatol Ako like what the heck kala mo talaga Ang gagandat gwapo . mabait at joker at kahit matagal nakmi ganun padin Siya kung saan kami nagsimula. Siya first bf ko, Siya nakavirgin sakin ,siya lahat first ko saka Ako din first Niya kaya .so back to the story. nalaman nga na buntis Ako dinaako pumunta sa pagbobosteran ko Kasi nahihiya Ako saka dinakami din pinabalik ng mama Niya And papa . Sabi ng mama Niya magsecond pt daw Ako Kasi Sabi ng pinsan niyang binabae is ganun din daw sa katrabaho Niya so ayun nga bumili Siya same day then ginawa ko kinabukasan . sa sobrang excited ko kung ano results Niya kung magnenega ba mga 2am palang nag pt naako Kasi diako makatulog. then Yun kaba talaga naramdaman ko dun sisi Ako ng sisi sa bf ko . ginusto ko Naman din Yun may nangyari samin but diko ginusto Yung naging traydor Siya Kasi diniya sinasabe na bubuntisin Niya ko. kaya ko tinago is nag aalala Ako sa magiging reaction nila mama Kasi mama ko talaga against sa pagbubuntis Kasi dipanga Ako tapos sa pag aaral , may priorities Ako. kaso ito napala ko nag mahal lang Ako sorry Ako ng sorry Kay mama Hanggang Ngayon dipadin Niya Ako napapatawad Kasi nilihim ko din sakanya e 4 months kung nilihim sakanya Kasi natatakot talaga Ako nun Kay mama Hanggang Ngayon pero nag uusap namin kami nakahit Galit Siya pinapaalahanan Niya Ako na maging healthy lang Ako palage .Kay papa Naman plinano ko unang sabihin . sa bday pa ng mama ng bf ko para happy happy lang Kasi natatakot din Ako Kay papa sa Anong reaction Niya diko maexplain Yung takot ko Basta nattaakt Ako tanggap konaman lahat ng sasabihin Kasi kasalanan ko din . pero nagulat Ako sa reaction nun ni papa. gustong gusto pala mag kaapo gusto daw Niya lalake. hayst salamat Naman . actually si papa kasundo ko talaga Yan Siya nakakaintindi Lage sakin Kasi Wala Naman si mama nasa abroad Siya lage natatakbohan ko pag may umaaway sakin Mula Nung Bata Pako. baby baby Ako ni papa . pero kahit nabuntis Ako ipagpapatuloy ko padin pag aaral ko . tutulungan ko parin sila kahit Anong mangyare kahit may pamilya naako . tutuparin ko padin mga priorities ko sa Kanila . in the name of Jesus Amen.

Magbasa pa

Tinago. Yung sa panganay ko dahil 17 palang ako that time sobra kong natakot lalo na nag'aaral pa ko tapos ayaw pa ko panagutan nung nakabuntis saken. Inipit ko, pinagpatuloy ko pag'aaral ko. Hanggang sa lumalaki na tummy ko syempre napapansin na pero todo deny parin ako. Nag'7 months ang tiyan ko ng mahospital ako. I dont know anong nangyare pero hindi na daw ako nagising sabi ng lola ko, kinagat kagat na nila ko pero wala hanggang sa nangisay yata ko tumitirik daw mata ko eh kaya sinugod na ko sa hospital. At ayun premature sya pinanganak. Ngayon ok naman na, 9yrs old na sya. Tapos after 6 or 7yrs eto na naman po jontis na naman aketch, 23 or 24 yata ako non. OFW mama ko, at wala pa ko napatunayan sa kanya or kanila. natatakot ako madisappoint sila. pinupush naman ako ni nakabuntis saken na magsabi na kaso natatakot talaga ko hanggang sa lumaki na lang tummy ko at napapansin na nila pero di sila nagsasalita (nagchichismisan sila behind my back) siguro naghihintay na umamin ako at ayun, 2months before ako manganak nagsabi na ko sa fam ko except sa mama ko. nasabi ko na lang sa kanya weeks before ako manganak. syempre reaction ng nanay galit na naman at disappointment. At ngayon, hha ok naman na πŸ˜‚ Lumalaking pasaway at bibong bata.

Magbasa pa

at first nag-pt ako kasama ko c hubby. i am expecting na sana sa 2nd child namin makita ko naman na masaya or tuwang tuwa sya. nakangiti nmn pero un lng then gastos agad naisip nya paano na ang budget 😒😒😒 then sa mama ko mas lalong walang reaksyon parang nakasimangot pa nga 😒😒😒 at may 6th or 7th month naadmit ako kc may tendency makunan ako dahil maselan ang pagbubuntis ko. after ko mahospoitalized ng 3days. nagkaproblem dahil di makawithdraw ng pambayad sa bank dahil sarado and holy saturday. after magawan ng paraan makakadinig ka pa mula sa mama ko na bakit kc nagbuntis ka pa? walang silbi asawa mo 😭😭😭😭 oh well, ganun din kastress nung 1st born ko ako nagbubuntis kc nasabay sa pagkamatay ni papa kaya di nya matanggap na buntis ako. in short hindi din sya masaya noon. same din sa 2nd born ko. pero makalabas nmn mga anak ko. masaya naman sila kc nakakalaro nila. ung mas stress pa sila kesa sa akin nung nagbubuntis ako. 😒 buti na lang di kunsumido itsura ng mga lumabas na bata sa akin 😁 buti mga lalaki anak ko at di nila madanas ung naranasan ko bilang babae. nagpaasalamat ako kay God na binigyan Nya ako ng mga angels na magpapasaya sa akin. Hayaan na ako mastress wag lang mga anak ko πŸ₯°

Magbasa pa
3mo ago

same tayo

Sa una kong anak . Tnago ko sa mga kapatid at nanay ko . Chubby ksi ako kaya di halata na buntis ako , tpos lagi akong nka malalaking dmit , yung mister ko gsto na nya sbhin sa parents nya pero tnatakot ko sya sbe ko pag snabi nya dna ako papa kita sa knya khit kelan . Pero nauna mka alam yung parents nya 1 week bago ako manganak . tas umamin ako sa ate ko . ang bilang ko 8 months plng akong bntis naawa nko sa baby ko ksi di ako nag papa checkup sobrang takot ko na baka may maka kita skin tapos sbhin sa nanay ko . Tapos inamin kona sa ate ko . snabi nya sa kuya ko tpos snabi ng kuya ko sa nanay ko . Ayun pacheckup ako sbe sa ultrasound 1st week daw ako manganak . Feb 23 yun 2016 . aba knabukasan nanganak nko . inaantay lng pla ni Baby na aminin ko sa pamilya ko . 18 lang ksi ko nung nbuntis eh . pero ngayon dalawa na anak nmin ng mister ko ☺️ lakaki Limang taon etong bunso 3 months old . may srili ndn kmi bahay . ☺️

Magbasa pa

Well, honestly. It took almost 5 months bago ko sinabi sa partner ko na I'm pregnant and ang saya niya supeeer ❀️ tapos nagtatanong mama niya if buntis po ba daw ako kasi lahat ng damit ko sumisikip na πŸ˜… and napapansin nang mama niya na always akong antukin kahit kakagising kulang. Hindi nman din kasi halata na preggy ako since wala akong morning sickness however pinaglilihian ko ang partner ko πŸ₯° hahaha! So yun nga nka dalawang PT akong positive and nagpaultrasound ako kahapon, hindi ko maexplain yung happiness and excitement ko nung makita ko yung baby ko and marinig yung heartbeat niya at malaman yung Gender niya.😍 nkapaka worth it πŸ’™πŸ’™β€οΈ Anyways, I'm in my 24 weeks turning 25 πŸ₯°β€οΈπŸ€—

Magbasa pa
VIP Member

Nang malaman ko na preggy ako, nag-aaway kami lagi ni hubby. Kaya sobrang stressed ako when I found out about it.. and tinago ko muna sakanya. I told him about it when I was almost 2 months delayed. He cannot accept it that that time kasi maghihiwalay na kami halos. To my parents and siblings, sinabi ko lang when I was 3 months preggy. Happy naman sila for me 😊 But now, regarding to my hubby, he's such a good partner and a father. Lahat ng uri ng suporta ay ibinigay nya, lalo na sa akin. Nakita ko ang sacrifices at love nya para sa akin at kay baby, nagbago sya. 😊 Sobrang caring nya, wala akong masabi.. Salamat sa panginoon para sa napaka-gwapo at malusog kong anak. ❀️

Magbasa pa

ako naman kung di dahil sa nanay ko di ko malalaman buntis ako. may pcos kasi ako kaya di talaga ko nag eexpect lalo nat di ako nag pagamot saka 1 year akong di niregla kaya lalong di talaga ko mag eexpect ilang weeks ako nilagnat tas suka ng suka sabi ng nanay ko baka buntis na daw ako kais ganon daw siya nung pinag buntis niya ko syempre di ako naniniwala pero pinupush talaga ko mag pt na daw ako kaya nung pumunta kami palengke e bumili na ko ng patago ng pt, kinabukasan 3am nagpt ako aba sobrang linaw ng 2lines. 10weeks preggy na pala ako. tuwang tuwa nanay ko e, kada aalis kami lagi nag sasabi sa driver na "dahan dahan buntis ung kasama ko" never nakalimot talaga.

Magbasa pa

No, Nadelay pa lang ako ng 1 month sinabi ko a agad sa Lip then nag advice sya na mag Pt ako pero sinabi ko na wait kasi baka delay lang ang mens ko. After 2 weeks tska ako nag PT iturns out na positive nga, sinend ko kay lip yung result via messenger dahil nasa work sya. Siya rin bumili ng Pt ko sa watson kasi gusto nya yung mamahalin na Pt para daw sigurado sa result. After 1 week nag pa utz ako para maka sigurado na ok si baby tska namin sinabi una sa nanay nya then after 1 week again tska namin sinabi sa parent ko. Masaya si Lip kasi napatunayan nya na hindi siya baog at masaya yung both relatives namin kasi nasa right age na kami. I am 29 then siya is 33 y/o.

Magbasa pa

Sa first baby namin sinabi ko muna agad sa husband ko bago sabihin sa aking kuya tas ung kuya ko ang nagsabi sa aming tatay at ung husband ko syempre pareho kaming takot sa tito muna nya sinabi at ung tito nya nagsabi sa parents nya akala namin magagalit sila di pala ng araw din ung nagpunta sila sa bahay namin pero di kasama si husband kasi kasisimula nya pa lang sa trabaho sa Pampanga tas long distance kami nag usap sila ng parents ko .. kasi sabi nga nila expected na nila un samin highschool boyfriend ko sya ng 7yrs bago ako nabuntis sa panganay namin 21 yrs old ako nung nagdalang tao sa aming panganay ,, thankful ako kasi napakabait ng biyenan ko πŸ₯° ..

Magbasa pa

Yes po It was funny lang Kasi before pa ako nabuntis nag prank ako sa parents ko na buntis na ako Ang saya nila lalo na yung mama ko excited daw sya magka apo then after a month binawi ko yung sinabi ko nag expect talaga si mama non after a month nmn nong sinabi ko na hindi ako buntis delayed na ako ng 9 days tapos nag PT na ako nag positive sya I think it's a good karma for me from my parents ngayon na nmn na sinabi ko sa kanila na totoong buntis na ako hindi na sila naniniwala tsaka ndaw sila maniniwala pag lalaki na tyan ko hahah any I'm 3 months pregnant right now❀️

Magbasa pa