Here's the situation. Yung MIL ko meron pa syang 3 apo na nagmimilk. Yung isa 5yrs old, the other one is 4 years old and yung baby ko na 5months old. Everytime nagpapadala ng remmitance yung FIL ko binibilhan nya ng milk yung dalawa. Simula 2mos pinagbubuntis ko until mag-4mos anak ko, nasa amin ako (naabutan ng lockdown). Last month bumalik na kami dito sa house ng MIL ko kasi dito naman talaga kami nakatira. Sinabihan pala ni MIL si hubby na every sahod ko daw magbigay ako 1k and sya nalang bibili ng milk and water ng baby ko. I know her intention is good... that she means well. Ang laking tulong nun samin especially yung milk ng baby ko is mixed of 2 different brands and medyo pricey. In a month makakatipid ako ng almost 2k. Yung parents nung dalawa nyang apo di na nya hinihingan kasi bear brand lang naman milk nila and bihira na silang mag-milk. Nung sinabi sakin yun ng hubby ko, medyo nag-alangan pa din ako kahit alam ko makakatulong yun samin kasi I know how she handles her finances. So nangyari na nga. Nagbibigay ako every 1st and 16th. Now hindi ko na control ang budget sa milk ng baby ko. Before kasi kahit marami pa syang supply binibilhan ko na sya agad kasi ayoko dumating sa point na maubusan sya and basic need yun. Now, yung problem is pagkabigay ng money sakanya gagastusin nya muna sa ibang bagay kasi ung pambili ng milk ni baby is kukunin nya sa padala ni FIL which is wala din fixed date. Now malapit na maubos milk ng baby ko and nung sinabi ng hubby ko sakanya na paubos na ing milk ni baby sabi nya sa ganitong date pa lang daw magpapadala FIL ko. Syempre di ko naman pwedeng sabihin sa anak ko na maghinay hinay sa milk para umabot dun sa date ng padala. So, ako pa din ang bibili kasi wala naman sya ibang pagkukuhanan ng money, yung padala lang talaga. Gusto ko sana sabihin sa MIL ko na ako nalang ulit bahala sa milk ng anak ko para alam ko pano ibudget ang pera kaya lang baka maoffend naman sya. Alam ko naman maganda intention nya pero ang hirap kasi ng ganito na wala akong control sa basic needs ng anak ko. Tapos playing deaf ear pa pag sinasabi ng panganay ko na "mommy paubos na milk ni baby". Never pa nangyari na naubusan sya.. ngayon lang. Sa tingin nyo, pano ko sasabihin na hindi sya maooffend?