Mareng Tess: Usapang in-laws for today's videow!

Sismarz, ano ang hindi mo magawang sabihin sa in-laws mo? Comment below! Remember, if shy ka, mag-anonymous ka! πŸ’…πŸ»

Mareng Tess: Usapang in-laws for today's videow!
48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

to my MIL, Ang hirap nyo pong pakisamahan. napaka hilig nyong gumawa ng kwento, napaka hilig magpaparinig. ichichismis pa sa mga kapitbahay yung mga kwentong ginawa nya sa isip nya tapos magpapa awa sa kapitbahay. pag naman cinall out sa mga trip nya, akala mo kung sinong nakaka awa. akala mo kung sinong mabait napaka maldita naman. yung mga kwento hong ginagawa nyo sa utak nyo e walang katotohanan lahat. imbes na tahimik ang buhay gusto laging gumawa ng issue. tapos hindi titigil hanggat hindi nakaka kuha ng simpatya sa ibang tao. tapos kayong nakaka alam ng katotohanan, hindi titigilan sa kamalditahan. at sa mga time na hindi ho kayo nang ttrip, sobra naman ho kung babyhin nyo anak nyo (asawa ko). matanda na ho yan. at wag nyo po ipilit saken na gayahin ko kayo na kelangan paglilingkuran lagi ang asawa. iba na po ang panahon ngayon. nirerespeto po namen at inaasikaso ang isat isa pero wag nyo kong itulad sa inyo na halos yun lang naging papel sa buhay. pls lang alam ko po maganda intensyon nyo pero may diskarte po kameng amin sa pagsasama namin. at wag po yung marinig nyo lang na may diskusyunan kame kahit simpleng pagtatalo e nangingialam agad kayo. sasabihan nyo pa kong hayaan ko na ang asawa ko para hindi na uminit ulo nya. ni ultimo sa usaping pera nakikialam kayo. wag po sana ganun. gusto ko ng bumukooood hahahaha

Magbasa pa