EDD ngayon Feb 14
Sinu po edd na ngayon Feb 14 na tapos may nararamdamang masakit puson na parang may regla normal Lang ba Yun tas parang feeling mo kailangan mo hawakan puson mo SA tuwingag lalakad Ka Kasi parang mahulog Yung bay sa loob.
Siguro normal lang, kasi ganyan din yung pakiramdam ko. Pinag bedrest ako ni midwife kasi masyado pa daw maaga saka na daw ako patagtag pag 37weeks na daw. Para fullterm na si baby lalabas. Dahan dahan lang tayo sa pagkilos mii lalo na't di pa fullterm. Sa akin naman hindi puson ang nasakit yung pwerta ko at singit ramdam ko din yung siksik ni baby. Hirap na din ako maglakad at tumayo juskooo HAHAHAH goodluck sa atin mga mhiee 35w4d na me EDD Feb. 12 sabi ni midwife Jan. 20 onwards pwede na lumabas si baby.
Magbasa paako din mi, sumisiksik na si baby sa singit, tuwing bababa ako ng hagdan na may apat lang na hagdana, lagi akong nakahawak sa tyan ko. tsaka ang tigas na ng tyan ko. EDD ko is Feb28, pero sabi nung midwife baka sa 1st week of February pwede ng lumabas si baby.
Currently at 35w. Wala pa namang nararamdamang masakit sa balakang at puson. Ngalay lang at nagugulat kapag nagalaw si baby at sipa. Hindi parin ako nagsisimula magwalking, pero gawaing bahay ako lahat. hehe actually pati linis cr keri ko pa 😅
Magbasa pasame mi ngalay minsan nararamdaman ko sa balakang. 34weeks nmn ako
EDD ko po FEB 25 tuwing maglalakad ako parang may malalaglag sa pempem ko tas panay na yung paninigas nya.. sa gabi active sya! 33weeks na po ako dami na nagsasabi na sobra na daw baba nung tiyan ko. Pero sana okay lang si baby😊
Ako naman pag magbabago ang tayu sa pag higa sobrng kirot ng balakang
EDD kopo FEB18 ganyan den po saken mi normal naman daw po yung ganyan ipapahinga mopo pagnakakaramdam ka ng pananakit ng puson mababa napo kasi si baby wag lang po ikaw masyado magpakatagtag baka mapaaga po paglabas ni LO.🫶🏻
iwas kain po lalo rice. ganyan din sa akin kaya di na po ako nag rice 2 Tbsp na lang po
ganyan Ako Minsan Mami parang sobrang baba na ni baby...edd ko is feb12, cguro Minsan sa sobrang paglakad at pagod din kaya ganun..Minsan nga hinahawakan ko nlang KC parang malalaglag eh...😊😊
same po tayu minsan Kasi Di n talaga Kaya mag lakad Ng malayu
edd Feb 26 po. same ganyan din nararamdaman ko. prng gusto ko na lng mag leave sa work ngayon pa lng kso lng naisip ko ano nmn gagawin ko sa bahay
EDD q feb 12 ganyan din nararamdaman q mamsh...may time pa na parang my tumutusok na sa private part q tpos super likot na ni baby
Ganyan ako mi, 34 weeks palang pero sobrang hingal na maglakad at palagi ko hawak puson ko naninigas kase madalas
Feb 14 din ako sis. minsan lang masakit puson pero nawawala din nmn agad...
Wonderwomom / Supermom of two little princess ?