placenta Privia
Sinu po dito nakaranas ng may placenta previa.? im 4months pregnant po any advice po sa mga naka survive npo ng gantong kalagayan.
mula ng magstart ako magbuntis hindi na tumaas ang placenta ko total placenta previa ako, prone tayo sa bleeding kaya advisable tlga ang bedrest, high risk kasi.. una hindi ako naniniwala na magbbleed kasi 26weeks nako but still nkkatravel pko thru bus, not until nkaranas ako ng bleeding on my 26weeks, sobrang takot ako kaya agad agad nag resign ako since 1stbaby ko to at ayoko irisk.. tinusukan ako ng pampamature ng lungs ni baby just incase na lumabas cya ng maaga 5days ako naconfine til nakauwi ako, bedrest ako, pinalaki din namin si baby so kain ako more itlog na nilaga psra lumaki cya at kung hindi aabot sa fullterm eh malaki pa din si baby, pero tulad nga ng sabi ko high risk talaga ang previa, kaya on my 33weeks nag bleed uleh ako at lumabas na si preemie baby,malaki cya sa 2.5kilos for a preemie, 2weeks cya incubator due to some complications lalo na pag premature talaga.. but now super likot na nya at daldal(7months) kaya mu yan sis@ pray lang tlga hindi tau pababayaan ni Lord.. 🙏😊🙏
Magbasa paNung 31 weeks ako I was advised na mababa yung placenta ko pero Di pinacheck sa ultra sound ni Dr. Tapos after a week, para Kong sinaktan bang tiyan or parang dysmenorrhoea nung kinagabihan, akala ko naihi lang ako then yun pala dugo na. As in super heavy bleeding. Nagpa ER ako, pero Di ako ma IE. I stayed in the hospital for 3 days, since need nila ko itest ng non stress test ata yun to see kung may contractions saka I was given some medication para sa lungs ni baby. Pag uwi ko pasaway pa ko, patayo tayo pa ko.. Then dinugo ako ng konti. So natakot ako, after nun recent lang naupo ako ng mga 30 mins then heavy bleeding again pero walang pain. May mga pampakapit din na binigay sakin to take orally. For me, mahirap mahiga ng buong araw pero ma's okay na yung safe si baby saka Di mo masyado maisip yung stress kada kita mo ng dugo. Advice ko din ask mo si OB kung pwede mo siya itext pag dinugo ka. Minsan kasi Di naman need agad pumunta ng ER and pakiramdaman agad si baby kung nagalaw siya.
Magbasa paHopefully sana nga. I don't really mind kung ma Cs or normal ako as long as mailabas ng maayos si baby. Yun nga lang ang worry is lumabas siya ng maaga, important talaga bed rest kahit sobrang hirap.
first baby ko placenta previa ako,5months ung tummy ko nun,wala ako naramdaman na sakin ang nramdaman ko lng ung filing na naihi ako nun pla dugo na pla,tinakbo agad ako ng partner ko sa ospital and naconfine ako ng almost 10days,payo ng dr. nun sakin bedrest at bawal ang mkipagsex ky partner,,may iniinject din sakin para sa pagpapatibay ng lungs ni baby para daw kung lumabas ng wala sa oras c baby malakas lungs nya,,2nd tym na dinugo ako halos wala pang 8months ung tummy ko un ung pinaka malala na..ilang days ulit ako naconfine at halos walang tigil ung bleeding ko tuloi parin pag inject skin para sa lungs ng baby ko,,ilang days ang lumipas di parin ngsstop bleeding ko ngdecisyon na ung dr. na iemergency cs na ko khit kulang pa sa buwan,pareho daw kasi kmi ni baby na mag aalanganin,bka maubusan ako ng dugo at mahirapan din si baby sa tummy ko..
Magbasa paganyan din sabi sken Sis. Baka CS dw ako pero hoping and praying pdin ako na aangat un placenta ko.
me too mommy.. pero no bleeding ako until now 33 weeks.. na-trace ako n low lying nung 23 weeks.. slight bed rest lang ako.. bawas lang ng mabi2gat n gawain, mgbuhat ng mabi2gat, bwal mgpagod & bwal sex.. hehe.. pinainom dn ako ng pampakapit ng 1 week.. pinaglagay dn ako ng OB ng unan sa pwetan pg matu2log pra dw tumaas ung placenta.. sana nga! 🙏 pero sa mga nbasa ko sa google walang ganung advise kc kusa dw magmu-move up ang placenta habang nag-e-expand ang uterus.. if not, CS tlga.. next week for ultrasound n ulit ako pra mkita kung may improvement n placenta ko.. ☺️
Magbasa pahi sis! update lang kita.. nag move up n placenta ko ngaun.. high lying placenta grade II to III n at 34 weeks.. yey! malaki n chance kong mag normal.. ☺️
nung 6months tummy ko placenta previa ako. ilan besis din ako dinugo non. verry risky situation. then nung 8months na tummy ko dinugo ulit ako sobrang dami nag leak na sa legs ko then yun na pala manganganak na ako pre term labor buti nalang naging low lying placenta ko kaya nakapag normal delivery ako. bedrest ka lang mashh bawal ma stress bawal makipag do. pwedi pa naman tumaas yan 4months palang tummy mo. always pray🙏🙏😇😇
Magbasa paSalamat sis at napalakas mo loob ko sana Umangat din un sken
ako po during my 14th week pero niresetahan ako ng OB ko ng progesterone which I took it for 2months then advise nya na mag bed rest din po ako..ginawa ko lang po naka elevate ung hips ko nun habang nakahiga tas bawal ako gumalaw galaw sa bahay or mag akyat baba ng hagdan..tatayo lang ako if kakain or mag CR..sa ngaun di ko pa alam if nabago na position ng placenta ko since Nov. 9 pa next ultrasound ko..I'm on my 21 weeks na po pala 😊
Magbasa pahi sis, update lang kita..naging high lying placenta na po ako based sa ultrasound pero breech pa din si baby..24 weeks na ako and sabi naman ng OB iikot pa naman daw si baby kausapin lang lagi..
First 6 months of pregnancy ko puro aq spotting then nadetect na total placenta previa ako yun pla ang reason ng spotting. Bedrest and no sexual contact ang advise. Bawal din magbuhat ng mabibigat. Nun 36 weeks na ang tyan ko nag pa bps ako at naging ok na yun un previa. Ndi na sya nakaharang sa cervix ko. 😊 pero at the end nun nag 37 weeks ako na ecs pa din due to eclampsia😞
Magbasa paaw kalungkot naman po bket kapo na eclampsia
ako po,simula first trimester hanggang 20 weeks placenta previa ako pero no bleeding kaya bed rest talaga sabay inom ng pampakapit..awa ng Dios nong nag 25 weeks na ako nagmove na placenta ko at high lying na..pray lang sis magmomove pa yan at bed rest talaga..I'm currently 32 weeks and 5 days..
wow sis sana sken din. 4mos palang sken waiting dw mag 7 mos para malaman nmen ulit kung mababago pdw pwesto
Ganyan din po ako nung 4mos ako, at suhi pa si baby. ginagawa ko po pag matutulog naka angat po ang paa ko at may unan sa ilalim ng pwetan at bedrest lang po ... iwasan po muna makipagtalik kay hubby. ngyon po 31 weeks pregnant, cephalic na si baby at normal placental placement napo.
Bedrest po, wag muna maglakad lakad, wag mgbuhat ng mabigat, bawal magDO, bawal matagtag. ang ginawa ko naglalagay ako ng unan sa pwetan ko tapos naka elevate paa ko, gumana naman po sken, 15wks. placenta previa ako, 2nd ultrasound ko 27wks. normal na, no previa na po yung result.
Bawal po, need talaga nakahiga ka lang. Kahit nakaupo lang ng matagal minsan duduguin ka pa din.
mom of a super hyper little princess