October EDD

Sino sa inyo mommies hirap maglakad kc masakit ang pempem? At masakit din puson ko 35 weeks plang ako.. Ang hirap na magkilos kilos ngayon.. Yung lakad ko ika ika at dahan dahan..

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

34weeks here !!! hirap na ko tumayo sakit na ng buto ko sa singit tipong nabigla sa pag exercise 🀣🀣🀣 ganern tapos tamad na tamad kumilos pero nilalabanan ko kasi mahirap na lalo akong nanghihina pag di ako kumikilos πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… gusto ko sanang mag exercise kaso feeling ko may malalaglag ako namang lumabas agad si bb kasi hindi pa fullterm delikado kaya siguro pag tumunton ung 36weeks saka ako mag eexercise ng bongga πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… Goodluck sten mga mamsh πŸ˜‰

Magbasa pa

me mamsh gnyan ung nararamdaman as in uti ko kasi mataas di na naagapan kahit gnwa ko na lahat ininuman ng antibiotic na reseta ng ob ko kaso kbwanan ko na kasi kaya di nadn talaga gumaling. 39wks to be exact nako today pero still no pain and sign of labor mas iniinda ko pa ung sakit ng uti ko 😒 sept29 edd ko. Sana makaraos na tayo πŸ™πŸ»

Magbasa pa
VIP Member

34wks6dys here hirap na po maglakad lalo pag morning kasi masakit na pempem and singit. Pati pag tulog or pag bangon ang hirap na todo alalay sa tiyan at baka mabigla. Never pa ako nag start mag exercise or mag gumawa ng mga active things kasi di pa full term. Good Luck po sa atin Team October! πŸ’•πŸ™

konting tiis lang po tayo.. malapit na kasi kahit ako gusto ko pag gising ko bukas sana nkaraos na ako hahaha waiting nlng ako sa full term ko at ni baby kc scheduled cs nmn ako.. CS kc ako sa first born ko..

4y ago

kc maliit ang sipit sipitan ko. sa first born ko laki ng hirap ko ng labor ako ng 21 hours wlang progress ang pag open ng cervix ko as in feeling ko katapusan ko na.. ngsisigaw na ako sa sakit gusto ko na umire kaso paano? hindi pa fully opened ang cervix ko hanggang dun nlng tlga sya.. kya sa 2nd baby ko same ob gyne ako.. sinabihan na ako na CS tlga ako..

normal lng yan po.. pero pilitin pong mg move ang body para pag dating sa labor mabilis lng.. hehehe.. kayanin po.. Goodluck sa mga soon to be momsh.. pray always..

True mommy! 36weeks ako ngayon turning 37weeks. Ang hirap pumwesto sa pagtulog, ang hirap maglakad πŸ˜… yung lakad ko parang penguin na sabi ng asawa ko hahahahaha

Me. Parang penguin na ko maglakad pero nakakapag exercise sa umaga at nagwawalking ako sa hapon para lumabas na si baby ko. 37w5d. πŸ˜‚

4y ago

Same tayo mommy. 37w5d preggy din.

same here 35 weeks sis kaya lagi nlg ako nakahiga konting lakad lng masakit na.. konting tiis nlg pra ky baby

me hirap na tumayo sa higaan tapos masakit na pempem ko pag nagmimeet yung dalawang legs ko TwT #38weeks5days

VIP Member

yes po normal lang ito kasi malapit ka nadin. konting tiis nalang para kay baby. have a safe delivery soon po πŸ’–

4y ago

normal po ba kht 32 weeks pa lang ??