Sobrang selan

Sino rito ang mga mommy na sobrang selan ng first trimester? 12 weeks and 4 days pa lang ako now pero so far sa buong first tri ko is SOBRANG SELAN talaga ng aking pagbubuntis. Sa pagkain at sa lahat 🥹 suka is life talaga pero matakaw pa rin ako, yun nga lang pili ang aking mga pagkain. More on lutong ulam and veggies ang hilig ko. Karne at mga process foods, big NO talaga. Sa inumin naman, gusto ko ang malamig na tubig and every other dat naman ZAGU chocolate. Kayo mamsh kumust? #firstbaby #firsttimemom #FTM #bantusharing

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

FTM mom din here, and dko naenjoy 1st trimester ko up to 17weeks. Kaya pala may weird nakong nararamdaman sa katawan ko kahit di pa delay, e buntis na pala ko. Naconfirmed agad kasi 1st day of delay ko palang nagPT na. Sobrang selan ko din as in, nagkablood clot ako at spotting kaya nagtake ng duphaston, nahihilo, nagselan sa pang amoy, nagsusuka, suka talaga, nilalabas lahat ng kinakain every meal kahit tubig di ko mainum kung di malamig. 5 weeks and 3days based LMP si baby after a week dun na nagstart yung morning sickness ko na naglast up to 17weeks. Grabe pinayat ko non. Bumaba pa hemoglabin ko dahil diko makain mga gulay even fruits, kanin at sabaw lang po nakakakain ko that time, pati saging pala🥺. Kaya ngayong nasa 20weeks na kami ni baby bumabawi nako sa pagkain, unti unti nakaka kain na rin po ako ng maayos at di na maselan sa pang amoy. Graduate narin kami sa duphaston 🤣. Now, na-eenjoy ko na pregnancy journey ko lalo na anlikot na ni baby. Sana healthy lang siya lagi🙏🏻. Soon malalaman na namin gender niya, may request na rin ako kay OB na magpaCAS. Enjoy mo lang pregnancy journey momsh. Keep safe po sa lahat🙏🏻

Magbasa pa