Sobrang selan

Sino rito ang mga mommy na sobrang selan ng first trimester? 12 weeks and 4 days pa lang ako now pero so far sa buong first tri ko is SOBRANG SELAN talaga ng aking pagbubuntis. Sa pagkain at sa lahat ๐Ÿฅน suka is life talaga pero matakaw pa rin ako, yun nga lang pili ang aking mga pagkain. More on lutong ulam and veggies ang hilig ko. Karne at mga process foods, big NO talaga. Sa inumin naman, gusto ko ang malamig na tubig and every other dat naman ZAGU chocolate. Kayo mamsh kumust? #firstbaby #firsttimemom #FTM #bantusharing

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

FTM mom din here, and dko naenjoy 1st trimester ko up to 17weeks. Kaya pala may weird nakong nararamdaman sa katawan ko kahit di pa delay, e buntis na pala ko. Naconfirmed agad kasi 1st day of delay ko palang nagPT na. Sobrang selan ko din as in, nagkablood clot ako at spotting kaya nagtake ng duphaston, nahihilo, nagselan sa pang amoy, nagsusuka, suka talaga, nilalabas lahat ng kinakain every meal kahit tubig di ko mainum kung di malamig. 5 weeks and 3days based LMP si baby after a week dun na nagstart yung morning sickness ko na naglast up to 17weeks. Grabe pinayat ko non. Bumaba pa hemoglabin ko dahil diko makain mga gulay even fruits, kanin at sabaw lang po nakakakain ko that time, pati saging pala๐Ÿฅบ. Kaya ngayong nasa 20weeks na kami ni baby bumabawi nako sa pagkain, unti unti nakaka kain na rin po ako ng maayos at di na maselan sa pang amoy. Graduate narin kami sa duphaston ๐Ÿคฃ. Now, na-eenjoy ko na pregnancy journey ko lalo na anlikot na ni baby. Sana healthy lang siya lagi๐Ÿ™๐Ÿป. Soon malalaman na namin gender niya, may request na rin ako kay OB na magpaCAS. Enjoy mo lang pregnancy journey momsh. Keep safe po sa lahat๐Ÿ™๐Ÿป

Magbasa pa

Share ko lang sakin mi, nung unang month kona buntis ako diko pa alam yun eh so kumakain pa din ako pero may times na naduduwal ako Kaya nagtaka ako, then pagka second month dun na nag start yung pag duwal ko as in kada umaga tsaka delay na din ako kaya nag PT nako hehe. Nalaman ko nun 5weeks nako. Thankful lang ako kasi bihira ako mag suka. Puro duwal lang habang kumakain, pinipilit ko kahit konte lang makain ko. More on prutas at maternal milk nalang na nagustuhan ko din lasa kaya twice a day yun. Now 16weeks na ko dina ko nag lilihi, kaya kain ng kain na ulit ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
1y ago

Ngayon mi madalas masakit ulo ko eh, pero nawawala din agad. Nung mga nakaraan masakit banda sa right singit ko feeling ko yun yung sinasabi nilang round ligament para lumalaki yung bahay bata, tas nawawala din naman until now wala na. Tapos lumaki na din tyan ko mi, dati kasi malaki lang sya sa hapon pag marami nako nakain the whole day, pero recently napansin ko pag gising kopa lang malaki na sya at ramdam kona din yung parang may kumikiliti sa loob ng tyan ko. Pero mi sabi kasi pag FTM, may times na delay yung movements ni baby unlike sa mga 2nd time mom mas early gumalaw at malaki sla mag buntis. Ok lang yan mi, sa mga sunod na weeks may pag pitik or kiliti na din yan kaunti ๐Ÿ˜Š

Sobrang selan ko mi. Ayaw ko ng pagkain na may bawang at sibuyas, mostly pa naman ng lutong ulam ay may ing. nyan Halos lahat din ng meals ko isinusuka ko. Yun pala dahil sa white rice. Nagchange ako sa combination ng brown rice, black and pink rice. Di na ako nasuka, piling pili nga lang sa ulam. Sensitive pa din ang taste bud sa foods. Mostly yung sweet na ulam lang or basta sawsaw ketchup na ulam. And sa drinks po, more on water lang ako. Sa agahan nag mimilo ko or mocha. Ayawko ng malalapot or more on milk and cream, isusuka ko agad. #14weekspreggyhere

Magbasa pa

Nung 1st tri ko rin mi maselan ako. Gusto ko veggies lang, nalalansahan ako s apork at beef. May pili lang din akong isda. Ayoko pati sa hipon kahit na favorite ko ito, may naiiwan kasing after taste nasusuka ako. Ngayon 26 wks 6 days na kami ni baby, nakakain ko na uli mga ayaw ko nung 1st tri. Noon din once or twice a wk ako magmilk tea, ngayon di na ako halos nagkicrave.

Magbasa pa

ako, til 2nd tri walang kupas ang buong araw na hilo, suka nagduduty pa ko sa hospital nun at nagtutusok sa mga pasyente ๐Ÿ˜… nakahinga lang ako nung 6months na. tapos bumalik ulit ng bahagya nung 8months. per thank God, 3months old na si baby ko ngayon. Kaya mo yan. ๐Ÿ’ช ang hirap pero ang sarap, na masaya magbuntis as in ๐Ÿ™

Magbasa pa

same tayo mamshii 12weeks but 5 days na ganyan dn ako mamshii pinagkaiba natin gulay at lutong ulam pero ayko ng manok baboy isda kngg kakain ako non dpt my gulay and grabii hirap sa point na susuka ka prng pinipiga ung tiyan mo grabiii pero pg nsa 2trimester na dw bihira nalang dw un pero ung paglilihi d mawwla

Magbasa pa

Ftm here, currently 35 weeks pregnant. Naduduwal pa rin ako pag sobrang busog, pag naliligo, pag nainom ng tubig, pag nakain ng karne, mani, and oily foods/ulam. Buti na lang nakakainom nako ng tubig paunti unti unlike nung first tri na halos di ko mabasa yung lips kasi susuka ako. ๐Ÿ™ƒ

ako kase sobrang selan mag buntis e to the point na dinako nakakaalis sa higaan ko kase hilong Hilo, sensitive pang Amoy tapos gulay lang kinakain ko ayoko ng mamantika at ayoko ng frozen foods at mga meat Lalo pang naging sensitive kase mababa yung matres so bed rest hanggang 8 months

Same mii. Hindi po ako nasasatisfy kung hindi malamig ang tubig na iniinom. dapat may ice ๐Ÿคฃ suka is life din ako and big no sa karne ng baboy and chicken. beywang, pwet at hita ko masakit at nangingilo halos everyday ๐Ÿฅน

buti kapa may gana ka kumain ako sis as in wala talaga. hinihintay kong magutom ako bago kumain kasi wala talaga akong gana. kahit yung mga appetizing na pagkain na nasa harap ko, di ko talaga bet๐Ÿฅบ