20 Replies
I don't think hindi ipapaliwanag ng OB mo ung mga medication or vitamins na niprescribed nya syo before ka lumabas ng clinic nya. Let's say hindi nga nya naexplain syo(which I'm doubtful), bakit hindi mo tinanong before ka lumabas ng clinic kung ano ung prescription nya lalo na at sabi mo nga hindi mo maintindihan ang sulat. First and foremost kailangan mo tanungin un kc kung ndi mo nga maintindihan ung sulat nya, pano mo malalaman ung instructions kung once a day, twice a day, or 3x a day ba inumin ung gamot or kung 1tab, 2tab or 3tabs ba or kung before or after meals ba. OMG momsh! If u have questions ang best na makakasagot jan ay ang OB mo momsh. Bumalik ka sa kanya, asked questions and be aware. Ingat po. Have sa blessed pregnancy journey to all of us. ❤️🙏🏻
Baka naman po meron dito kahit extra kahit tigpipiso lang. Pambili lng namin ng pagkain at pampa ultrasound ko din. Yung inipit ko kasing pera na sana sa ultrasound at gatas ng panganay ko nagastos nung bumaha kasi kailangan lumikas🥺🙏🙏 kahit tig pipiso lang po. 8 months napo ako at kailangan ko ma kita kng umikot na si baby kasi naka frank breech sya nung last 09156938111 po gcash ko🥺🥺 Ayaw kasi ako tanggapin ng lying in kapag wlang result na cephalic ang baby. Ayoko din ma ospital dahil mas mahal gagastusin.
THANKYOUUU SA MGA SUMAGOT NANG MAAYOS AT NAKAINTINDI🥰 GODBLESS U MGA MII. AT PARA SA MGA KUPAL NA NANAY NA KUPAL PARIN PAG UUGALI.. NAWAY GUMANDA BUHAY NYO🤪🤪🤨 NAG EFFORT PA TALAGA KAYO PARA PAG KAABALAHAN ANG POST KO, na pwede nyo naman Ignored kung wala kayong magandang sasabihin. AT sa mga mii na Maayos makipg usap Thankyouu wag na kayo gumaya sa Ibang mommy na PUTANG INANG KUPAL NA BALASUBAS PA SUMAGOT tinuringan mga Nanay na MGA WALANG isip Amp!! Anonymous pa mga Takot.
Minsan depende din sa age mo mommy. Ako kasi niresetahan ng pampakapit 1st month palang kahit okay naman si baby kasi 30 na ko nun. Okay na din yung may pampakapit ka mi mas safe at secure si baby ako 1 month ako uminom pampakapit never ako dinugo or nagspotting sa buong pregnancy ko. Ang kapit ni baby. Now 37 weeks na ko mi anytime pwede na sya lumabas. No need to worry dyan mommy
Baka po may history po kayo ng bleeding. kasi ako po may history ng bleeding after 2 weeks nawala na then nung pre natal check up ko sa ob tinanong ako kung naka experience bako ng bleeding I said yes 2 weeks ago upon checking my utz ok naman ang baby pero to make sure daw niresetahan ako ng duphaston for 1 week. and ngayon 15 weeks na kami ni baby♥️
I had duphaston 3x a day for 3months din mi I think to secure din talaga kapit ni baby lalo na if may mga health condition ka, previous miscarriage. and pag nakikita rin ni ob na you are securing your baby reresetahan ka ng pampakapit para na rin un sa ikapapanatag ng loob mo na kahit medyo mastress ka or medyo napapagod okay pa rin kapit ni baby sa loob.
good for you mi ako kasi medyo selan nun may asthma kasi ako severe and naninigas uterus ko kaya every check up pag same pa din uterus ko continue Ang duphaston ko. Minsan nga 2x a day nalang kasi Tamad ako gumising ng maaga to eat nun. ngayon Naman nastop na duphaston ko 19 weeks ☺️🙏
ako po first check up ko, 5 weeks pregnant ako kahit wala pa po ultrasound ay niresetahan na po ako ng duphaston ni Ob since high risk pregnancy po kasi 35 years old na po ako. then pina continue kasi may nakita na subchorionic hemorrhage nung transV ko at 7 weeks.
ako niresatahan ako pampakapit nung buong first tri ko kahit okay si baby sa loob kasi may history ako ng miscarriage. magastos kasi 3x a day duphaston pero masasabi kong worth it naman kesa kakaba kaba. 3mos na si baby ngayon. 🥰
Usually 1st tri talagang need ng pampakapit pero pag 2nd at 3rd na possible may nakitang di maganda na pwede magdulot ng preterm labor kaya need pampakapit. One time inultrasound ako nakitaan na nakaopen cervix ko kaya biglang reseta ng duphaston sakin.
Sakin naman po Duvadillan! meron kasi ako Viginal Infection 2 beses nako niresitahan pampakapit para sa premature Labor!
Saaken okay naman si baby, maganda result ng ultrasound ko and no bleeding at feel ko makapit sya. Pero niresetahan padin ako gawa may recurrent UTI ako. Yun ang explanation nya saakin. Sayo po pwede nyo din itanong din po.
Ramona