Guhit Sa Tiyan
Sino Po Meron po neto? Guhit po sa Tiyan. Ani po ibig savhin? Sabi po biyanan ko sawiri Daw po pinag bubuntis ko Kaya Lagi Daw kami nag aaway mister ko..


Eto po ang tawg dyan ->> LINEA NIGRA: Mga mahalagang kaalaman tungkol sa linya sa tiyan ng buntis hindi naman daw nawawala ang linya na ito, mas nahahalata lang ito kapag buntis dahil sa natural na pag-itim nito pagdating ng 23 na linggo ng pagbubuntis. Dahil daw ito sa mga “pregnancy hormones,” na nagpapaitim din sa “areola ng nipples.” Kapag daw hindi maitim ang linea nigra, tinatawag itong Linea Alba o “white line. Hindi dapat ikabahala ang pag-iba ng kulay ng balat o mukha dahil normal ito sa buntis. Mawawala din ito makaraan ang ilang buwan matapos kang manganak. Kumain ng maayos. Ayon sa mga eksperto, maaaring lumala ang pag-itim ng balat dahil sa kakulangan sa folic acid. Makakatulong ang folic acid supplements pero makakatulong lalo ang healthy diet. Ugaliing kumain ng gulay, prutas tulad ng orange, at cereals o whole wheat bread, para rin sa pangkalahatang kalusugan mo at ng magiging baby mo 😊👍🏻
Magbasa pa


