May halak

Sino po dito yung baby na may halak pero walang ubo at sipon , halak lang talaga ? Baby ko kase nagsimula sya magkahalak mga 1 month , hindi na kase sya nalungad tas nung maliit pa sya mahirap sya padighayin , ngayon kahit papano nakakadighay na sya kase marunong na sya dumapa , 5 months na pala baby ko ngayon .. hindi ko pa kase sya napapa check up sa pedia .. sabe kase nila may normal na halak yung kulang lang sa dighay tas yung iba naman sabe may halak na delikado na nauuwe sa pneumonia ..

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Yes, ganyan din po baby ko until now, nagpa check ako sa pedia. Okay naman daw muscles lang daw yun ni baby sa paghinga. And dahil na din daw sa fats ni baby kaya daw po ganun.

3y ago

gusto ko nga rin po ipa check up kaso kapos kami .