Telling the truth...

Sino po dito yon first pregnancy na biglaan na lang nabuntis ng hindi kasal. Paano nyo po nasabi at paano nyo po nasimulan sabihin sa parents nyo? Pahelp naman po. Thanks!

67 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pinuntahan ko si Mama at Daddy sa kwarto nila nun. Iyak na ako ng iyak. Tapos hawak ko yung ultrasound. Sabay abot sa Mama ko. Binasa nya Sabay ayun yung Daddy ko galit na galit. Tinanggap ko lahat ng nasabe nyang masasakit that night. Natadyakan nya rin tyan ko non. But after 2 weeks na hindi pagpapansinan, napatawad na nya ako. And now na Im on my 7th month mas excited pa sya kesa sakin makita si baby. Hehe.

Magbasa pa

Sakin po binisita ako ng partner ko then hinarap nya mismo parents ko kasi lagi niya sinasabi na responsibilidad naman nya yun bilang magging tatay. Deadma na kung anong mangyayare o sasabihin pero nakakagaan sa pakiramdam talaga pag nasabi na. And nasa tamang edad narin naman kaya inisip nalang namin na mas mahirap kapag pinatagal pa to follow nalang ung kasal since nagbabarko si partner.

Magbasa pa

ako po 19 years old nung 1st baby ko . di alam sa side ko na may karelasyon ako . umabot pa ng 5 mos. tyan ko bago ngakaalaman kc nhahalata ndin plaa . at first sympre di tanggap bata pa kc at ako ung panganay . now mag se7 years old na po ung anak ko and pregnant n po uli napatunayan na po ng asawa ko sa parents ko na pwde nila ko ipagkatiwala sa knya at di nya kme pababayaan .

Magbasa pa

sa akin, sa amin ng partner ko we've been together for almost 11yrs and kakaproposed lang nya last dec. right from the day that we got confirmation from the PT that I am pregnant. sinabi na namin kaagad. so far we feel happy and blessed kasi we, I received the right kind of support system. kaya mo yan momsh.. matutuwa pa yan sa wakas magiging lolo't lola na sila ☺️

Magbasa pa
VIP Member

weekly every saturday and sunday dito na natutulog bf ko kaya qng mabuntis ako hnd na shocking siguro haha sb q lng kay mama nagpacheck up kmi at 7 weeks na daw ako sknya q una sinabi kesa kay ate para mas mafeel ni mama na mas may tiwala ako skanya... xa na nagsabi kay papa... tapos tsaka ko sinabi kay ate hahahahaha... wala pa kami balak magpakasal... ayoko pa 😂🤦‍♀️

Magbasa pa

I told my oldest sister first para may kakampi ako sa pag sabi, we went outside to eat with my parents, ate and my bf. Old enough naman nako and madami nadin natulong sa pamilya, pero struggle padin kasi di nila ineexpect to saken. But my bf was there and sinabe naman nya sa parents ko na pananagutan at papakasalan ako. Everything went well.👍☺️

Magbasa pa

Ako kkasabi ko lang Last April 23 una kong sinabi sa sister ko.sobrang nanghinayang ako nun kasi pingaaral ko pa sya ng college at after a week sinbi kona sa mama ko sabi ko nga wag sya iiyak pero ako nman yung unang naiyak nkkagaan sa loob pag nasabi mona ngayon ok nman sa knila excited pa sila para sakin.goodluck to you momshie Blessing yan ❤

Magbasa pa

I told it sa chat muna sa sister ko.OFW ako,after telling her sinabi ko kila mommy ko..nag ask ako if tatanggapin ba nila ko kase if not sa sister ko ako uuwi.disappointed sila talaga sakin kase nasira lahat yung plano at nastop yung dreams ko..pero prayers sis.it will all be soon okay..by god's grace manganganak na ako soon.😊

Magbasa pa

Ako po, teacher ako, then nung jan2021 nagsusuka ako at di mkakain. Uminom p ko ng kremil s. Sb ng mother ko magpt na daw ako kc kawawa ang bata pg buntis ako. Pgcheck ko sa pt, lumabas agad 2 linya. At cnb ko na, tuwang tuwa sya. Ang saya nya. At ang dami ng plano sa kasal. This july 2021 church wedding namin.

Magbasa pa

Mother ng boyfriend ko unang nasabihan ko kasi close kami for another guidance, nag reready pa kami panu sasabihin sa parents ko kasi strict sila eh baka mapalo ako 😂 old enough namn na ako kaso kapag favorite child ka di maiwasan ma disappointed sila sayo pero sabi nga positive thinking lang palage

Magbasa pa