Share your stories..
Sino po dito yng habang buntis eh nakaranas ng matinding pagsubok yung tipong sobra kayong nadepressed. Saakin ksi 1month nlng sana manganganak nako namatay pa ang mama ko. Hndi tuloy nya nasilayan yng first apo pa man din nya sana. ? Kayo po anung kwento nyo and paano nyo ito naovercome?

Ako naman not totally depressed pero parang papunta na don. Yung mom ko iniinsulto ako, yung hubby ko, yung nanay ng hubby ko na mahirap lang ang buhay ng napangasawa ko at ganto daw napapala ko kase nag asawa daw ako ng isang mahirap. Grabe iyak ako ng iyak non 1 week 2 days palang since nung nanganak ako. Sobrang sumakit ang ulo ko non na parang mamamatay nako! Yung feeling na mismong mama mo iinsultuhin ka? Idadown ka? Ang masaklap pa non kakapanganak mo lang ganun gagawen sayo. Masakit lang para saken na insultuhin yung mga taong parte na ng buhay ko at di niya matanggap na yun ang pinili ko. Well, di ko naman kase hinangad na magkaron ng asawang mayaman, oo may kaya kame or sabihin ko ng nakakaangat kame sa buhay pero swear to God di ko pinangarap magkaron ng asawang mayaman. Ang sabi kase saken ng papa ko mag asawa ako ng lalaking di ako lolokohin at kayang magsikap para samin ng magiging anak ko. At ngayon di ako nagsisi sa pinili ko.
Magbasa pa

