Hello po mga mommies

Sino po dito nasa first trimester palang na pabalik balik ang u.t.i 🙁 ano po ang ginagawa ninyo kakatapos ko lang po kasi uminom ng antibiotic. Hirap ng ganito tas ang bigat lagi ng pakiramdam parang lalagnatin 🥺

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din sakin. nakakastress un palagi may uti. kahit na more water ako ganun pa rin. tama nmn paglilinis ko sa private part at kapag iihi di ko hinahayaan mabasa undies ko. 2 weeks lng nawala uti ko tas after nun meron na naman pero mababa nlng. kaya di na ako niresetahan ng antibiotic. panay inom nlng tlaga ko water kasi un lng naman magagawa ku. saka inom ka ng cranberry juice ung pure wag ung juice na may halong sugar. tipco cranberry brand pwede.

Magbasa pa
1y ago

lahat ng labs ko normal lng po urine lng ang naiba pero di na siya sobrang taas tulad nuon.

Drink more water mi, mas maganda may water bottle ka para alam mo kung ilang liters nainum mo isang araw. Kapag iihi ka naman always wash your pp with water. Wag ka magpigil ng ihi. Sa morning damihan mo inum mo, sa gabi kunti lang pra di ka pabalik balik sa banyo. Nkakatamad din kasi bumangon pag gabi. Palit ka din ng panty atleast twice a day.

Magbasa pa

Follow nalang po mga advise ng mga co-mommy natin Sis 😊 More water talaga. bawal coffee and juice. Strictly water lang po and if possible wag po muna kayo mag Do ni hubby. minsan kc nakakapag trigger yon. Wait muna mag negative sa UTI then back to normal na po 😊

kada ihi po wash nyo lang ung part na nilabasan ng ihi pero ung labas lang, use bidet then punasan ng towel para sure na dry. un lang po nakatulong sa uti ko kc kahit anong iwas ko sa bawal na pagkain at gano kadaming tubig at coconut water inumin walang magawa

mag pa urine culture and sensitivity po kayo para malaman nio kung anung main cause ng infection para mabigay ung tamang antibiotics..ganyan din ako nagtataka kmi ng ob ko bat di naalis ung bacteria..kaya nag suggest sya .. mgpa urine culture aun nhanap namin..

1y ago

magkano po mamsh mag pa urine culture

ako rin po nag ka uti ng 1st tri and 2 weeks nag anti biotic. more water po. buko juice din po. napaglihian ko pa ung vitacoco haha. then gumamit ako ng human nature feminine wash pang anti bacteria na gentle lang. di naman na po bumalik ang uti ko.

inom ka lang po ng warm water sa umaga. un ang una mong inumin. less salt intake. bawasan un maalat na pagkain. minsan sa feminine wash din yan. pag tumae ka, make sure malinisan mo maigi pwet mo para di bumaba un dumi sa may vagina para iwas UTI

Yakult everyday (one snack for morning and one snack for afternoon) yogurt everyday or 3x a week 😅 ganyan po ginawa ko after ko mag UTI ng 1st trimester. Then more na more ang water pra lagi umihi, ma flush out lahat ng bad bacteria

1y ago

masubukan ko mamsh thank you po

inom ka fresh buko juice pag gising sa morning and more on water.. ako never nagka u.t.i during may pregnancy kakapatest lang ulit sakin ng OB ko last month, now 33weeks na ko.

Inom ka maraming tubig ganyan din ako nun , tubig lang katapat niyan . Iwasan mo Yung mga pagkain o drinks na nagq cause Ng UTI . Para aware ka Po at ma safe si baby di magka infection