11 Replies

VIP Member

Me po. Nagpreterm labor ako nun 30 weeks ako. Akala ko normal lang yung paninigas ng tyan ko kasi sabi nga nila braxton hicks daw yun. Pero nun nagultrasound po ako, nakita po na nakaopen na ng 1cm un cervix ko. Wala po ako nararamdaman na pain. Buti nalang po inagapan agad ng ob ko kaya naconfine agad ako at minonitor un contractions ko. Lumalabas na strong sya lahat kahit wala ako nararamdaman na pain. Kaya kung sa pakiramdam niyo po may mali, mas okay na ipacheck niyo po sa ob niyo kesa hintayin niyo po un check up sched niyo. Contractions na may kasamang pain is not normal po.

Usually po masakit balakang, naninigas ung puson, may symptoms din ng lbm, etc. Nagccause to normally na magdilate or soften ung cervix. Mas maganda pong banggitin nyo sa ob nyo ung nararamdaman nyo. Ako ng preterm labour ng 20/21wks, di masakit nung naninigas dati ung puson ko kala ko braxton hicks lang. Pati ung sa pananakit ng balakang, akala q dahil nakaupo lang ako buong araw.

Pls huwag ipag walang bahala ang ano mang nararamdaman. Itawag agad sa OB mo at pcheck up. Ako nun akala ko normal na pananakit lng, kasama ba sa pagbubuntis pero laking pagkakamali. Preterm delivery ako at hnd kinaya ng mga anak ko dhil 26weeks plng sila. Hayaan mo ng makulitan OB sayo kakatanong mo at huwag mahihiya. Unahin ang anak mong nasa sinapupunan mo plng.

ano po pakiramdam ng contractions? mababa lang po pain threshold ko kasi kaya iniisip ko kung masakit po ba yung contaction o parang kiliti lang?, eh minsan nkakaadama ako ng parang kinukutkot pem pem ko kapag gumagalaw si baby. nabanggit ko na ito kay ob na may pain pain na saglit saglit lang at binigyan ako ng pamparelax ng matris.

Wag nlng po iputok sa loob kase nakaka cause ng contraction ang sperm

Hi, ako wala naramdaman na pain pero naninigas tyan ko nun 22 weeks ako, pagkacheck-up ko open cervix na and 0.39 nlng un close so konting konti nlng lalabas na daw si baby. Complete bedrest ako until now na going 26 weeks na ko. As in bawal ako tumayo.

Pano pg mlligo k sis O iihi?

Kapag nagpacheck up ka sis tell your ob para maresetahan ka ng pampakapit kasi kapag nagtuloy tuloy ang labor mo baka maging premature si baby. Braxton hicks ang tawag kapag false labor, yung pasulpot sulpot at di tuloy tuloy.

Nag pre term ako nung 30weeks ako mahilab ang tyan at dun nag start yung pagbigat ng tyan ko kaya every time na nakatayo at upo ako masakit kaya bed rest ako...and until Now naka open ang cervix ko ng 1cm 35weeks ako now

Wala po bang ininnect sayo ang obygyne na steroids for lungs?

Same situation here. Ako yung likoran ko sobrang sakit kung minsan tapos gabi gabi naninigas yung tsan ko at sumasakit yung puson may time na feeling ko pag umiihi ako panubigan ko na yung lumalabas eh hehehe

Me!!🙋 currently pinagbedrest ako ng OB ko tapos may gamot pampakalma ng matres.. sumasakit puson ko tapos naninigas tyan ko na parang may lalabas na sa pwerta ko na parang napoops.. 28 weeks pa lng po ako ngayon.

need mo sis magpatingin agad sa OB mo,kasi ako i thought nung una normal lang kasi masyado na malikot c Baby tapos hanggang sa d na normal yung sakit ng puson para ako may dysmenorrhoea.. buti nlng close lng yung cervix ko kaya pinagbedrest nako kasi pag nagtuloy2 yung contractions baka daw bumuka cervix ko e delikado pa c Baby ilabas ng ganito kaaga..

preterm labor ako recently sis,kakadischarged ko lang sa ospital kahapon..biglaang lbm sis tas nanigas tyan ko and masakit puson..no bleeding or spotting ako.

Oo paadvance check up ka na kase mahirap pag nag pre term labor ka..my prayers for you and your baby sis.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles