Infection

Sino po dito nakaexperience ng makating private part, mabaho din yung smell and yung discharge buo na parang gatas, nabasa ko po kasi is infection yun, sabi ksi ng ob ko di pa ko pwede bigyan ng gamot dagil 1st trimester palang po ako. May effect po ba yun sa baby, ok po ba yung naging baby nyo,kahit nagka experience kayo ng ganito. Salamat po

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Try nyo po gumamit ng gynepro or naflora na feminine wash 2xaday. Nireseta sakin ng ob ko yan nung sinabi kong parang may yellow discharge ako isang bes pero not mabaho and inask nya lang if makati. Sabi ko medyo lalo na kapag naghuhugas. Don ko usually nararamdaman na may kati. Kaya yan nireseta sakin yang feminine wash na yan. Mas effect sakin yung naflora and di na ako nagkayellow discharge and di na makati ngayon. I'm on my first trimester din. Nainom din ako ng yakult once a day.

Magbasa pa
2y ago

may picture ka po maam nung naflora

inexperience ko yan, yeast infection try muna ako sa bahay uminom ng madaming tubig at yakult or yoghurt tapos cut lahat ng sugary drinks at foods , gumamit din ako ng gyne pro wala pang 1 week nawala nadin sya basta wag mo sundin yung cravings mo sa matatamis pigilan mo kahit fruits at starchy vegetables, pero kung nakapag Pa check up kana mas mainam na sundin mo sila.

Magbasa pa
2y ago

hindi pa naransan ko yan 7 months pregy ako nakaka apekto din talaga minsan yung pagkahilig natin sa sobrang tatamis na pagkain at inumin mainam din talaga yung yoghurt para mabalanse yung good bacteria sa private area natin then gyne pro ginagawa ko nun pag matutulog na di ako nag panty para maka hinga yung private part isa din yan sa minsan nagpapakati lalo pag napawisan dapat laging tuyo at malinis.

Sa akin di ako ni recommend ng suppository puro oral lang kahit 12weeks pa lang ako, nag dalawang Ob ako same yung insight nila. 2nd option lang sakin ang suppository kasi medyo prone ang infection kung panay pasok ng daliri sa pwerta kahit nag huhugas ng maayos. Pero dapat may tinitake ka ng medicine kahit first trimester kasi bawal may infection po talaga.

Magbasa pa

yeast infection po, prone talaga tayong preggy sa ganyan. Drink yakult po or any yogurt every day para may panlaban tau sa bad bacteria lage. yan lang sabi ng doctor ko para makaiwas sa yeast infection, if meron naman na reresetahan ka naman nila ng gamot

2y ago

naexperience ko nung dalaga ako once nagka yeast infection ako. sa sobrang pagkaen ko daw ng sweets sabi ng ob ko. wala akong control . kaya natitrigger ang bacteria na dumami. plus gumamit ako ng femwash na allergic pla ang pem ko sa ganun. yakult/yogurt lang walang palya. after a week nawala nadin xa.

IE mo po sarili mo tapos if may makuha ka sa pwerta mo na parang white2 linisin mo po. Yan po ginagawa ko kasi super kati. Kinakamay ko po sa loob para makuha yung dumi. Super hirap niyan mga nasa 3rd trim na ako non may resita na

Hugas ka mommy ng cane vinegar, 5 na kutsarang suka tapos lagay mo sa isang tabo na may lamang warm water po. Nagkaganyan ako yun lng nireseta ni Ob ko sakin nawala naman sya pang tanggal bacteria.

2y ago

Safe po ba yun mi? nakapanganak ka na po ba? ok naman po si baby?

yeast infection po yan mi nagkaganyan din po ako nung first trimester ko. usually bawal saten oral intake kaya ung nilalagay sa loob ng pwerta ang nirereseta ng ob 😊

2y ago

yes po magaling na sya

TapFluencer

Not sure why di ka niresetahan ng OB ng meds coz infections are dangerous. Pa2nd opinion ka mi.

2y ago

yes miii pa second opinion ka po. ako po kahit walang nararamdaman nafeel ni ob na medyo malapot ung discharge ko, detected at 12 weeks, kaya binigyan ako ng suppository and oral vitamin ung floracap which is probiotic pero para sa private part :)

Naexperience ko na din po. Kahit po hindi makati ung akin ay sign of infection lalo at nagturn yellow discharge ko

2y ago

Bumalik po ako kaagad kay ob,nagbigay po siyang reseta na suppository.

Try nyo po magpa second opinion. Wag po basta basta mag take ng gamot na hndi binigay ni OB :)